Denice/ Via POV
"Wala ka bang sariling kotse?..." Tanong ko kay Mir na ngayon ay busy sa pagkutkot ng kung ano-ano sa cellphone nya.
"Meron... Kaso gusto ng daddy ko na sabay-sabay nalang kami papasok, para safe." Sabi nya at tinignan ako.
Kahiy hindi ko sya tignan at kahit nakatutok ang paningin ko sa daan ay nakikita ko parin minsan ang pagsulyap-sulyap nya.
"Ah..." 'Yon na lang ang nasabi ko.
Naging tahimik na ang dumaan na segundo sa pamigitan naming dalawa.
Buti nalang ay tumunog ang cellphone ko.
"Pasagot nga, please..." Utos ko sa kanya dahil hindi ko naman masasagot 'yon habang ang kamay ko ay nasa manibela.
Hindi pa naman ako ganon kagaling magmaneho para maging pabaya.
Kinuha nya ang cellphone ko at inilapit iyon sa bandang tainga ko.
"Denice!!!" Inilayo ko ang tainga ko dahil sa pamilyar na sigaw na nanggagaling sa tumawag.
"Ano ba, Dave?... Nakakabingi!" Sigaw ko sa tumawag.
Sya si Dave, kaibigan sya ni Rhon at laging nasa bahay kaya naging Close narin kami.
"Oh, sorry... May party mamaya sa bahay ni Unyie, sasama ka?..." Napailing-iling naman ako.
Hindi na ako magugulat. He use it. Kung wala sya sa bahay namin ay nasa condo nya sya o dika kaya ay nag-paparty.
"Party?... And who's Unyie?." Tanong ko.
Syempre alangan naman na makiparty ako tapos hindi ko kilala kung sino at anong dahilan ng party. That was rude.
"She's my cousin, kakauwi nya lang from Paris... So, magpaparty sya this night..." Paliwanag nya.
"Oh... " tanging nasagot ko nalang.
Paris is my dream destination. Nakakainggit lang...
"So... Game?" May halong paghahamon sa tono ng boses nya.
"Hm... I'll try. Mag-aadvance reading kase ako mamayang night, and need ko rin ng maayos na rest... Kase, you know... Back to school." Sabi ko.
Sinenyasan ko naman si Mir na iipit nalang sa leeg ko ang cellphone na ginawa nya naman.
Naiwan na nga sya ng mga kapatid nya tapos pag hahawakin ko lang pala ng Cellphone.
"Aish.. Hey, Denice! Stop being kill joy! Look at me... Napapagsabay ko ang night out and studies. " May halong pagmamalaki pa sa tono nya.
"You're bad influence HAHAHA" Pang-aasar ko sa kanya.
"Yes, i'm bad... Kaya nga pumayag kana..." Ang kaninang pasigaw na boses ay naging lambing na.
"Eww! Dave! Hindi bagay sayo..." Sabi ko sa kanya at sinundan kopa ng hagikhik.
"Whatever, Denice Rosales. Basta, susunduin kita mamayang gabi, ok?.." Huling saad nya at ibinaba na ang tawag.
Wala naman talaga akong balak na tumanggi sa offer nya, sinusubukan ko lang kung susuko ba sya.
Napatingin ako kay Mir ng tumikhim sya.
"Gusto mo ng t-tubig?.." Bigla nalang iyong lumabas sa bibig ko.
Bakit ayon naman ang napili kong itanong? Hayst, ikaw talaga self nakakagigil ka!
"No... I just wanna ask..." Hindi nya maituloy ang sasabihin nya at para bang nagdadalawang isip kung sasabihin nya pa iyon o hindi.
"Ano yon?.." Isang sulyap lang ang naibigay ko sa kanya at ibinalik ko na ulit sa daan ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
AcciónThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie