Heat's POV
"What took you so long?!" Madiin na tanong agad ni Vun ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto na pinagbihisan ko.
"Yung picture." Itinupi kopa ang manggas ng polo hanggang sa siko ko.
"Picture?" Nagtataka na tanong nya.
Tinignan ko naman sya at sumandal ako sa pader bago itaas ang kamay ko at nag-middle finger.
Tumaas ang kilay nya nung una ngunit agad din naman iyong nawala.
"About the picture-" magpapaliwanag sana sya ngunit itinaas kona ang kamay ko.
"It's okay!" Hindi ko alam kung bakit parang may halong tabang sa pandinig ko ang sarili kong boses.
"No-"
"Bagay ba?" Pagputol ko sa sinasabi nya.
"Yung sa picture-"
"No, i said okay, okay?! Actually, bagay kayo nung girl!" Ta-tango-tango na saad ko.
"Heat-"
"Btw, Uuwi naba tayo?" Putol ko ulit sa sinasabi nya.
"Hindi pa, may pupuntahan pa tayo..." Saad nya habang titig na titig sa mata ko. Para bang may binabasa sya mula sa mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Is that so... Tara na!" Nauna na akong maglakad.
Putangina.
Halos murahin kona ang sarili ko dahil sa inasal ko. Bakit ganon? Anong nangyari?!
Lumabas na kami ng condo na iyon at sumakay ng elevator.
Tahimik lang kami at nagmistulang napakatagal ng oras para sa akin.
"Yung babae sa picture-"
"Okay nga lang!" Nakangiti na sigaw ko na ikinatigil nya.
"I mean... Okay nga lang kase HA HA... " Mas malumanay na saad ko with matching paggalaw pa ng kamay.
"Patapusin mo muna kas-"
"Picture lang naman yun, Vun. Hindi naman ako ganon kababaw para magselos--crap that! Bakit naman ako magseselo-"
"PATAY NA SYA, OKAY?!" Napatigil ako sa pagsasalita ng binitiwan nya ang salitang iyon.
"H-Huh?" Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil sa dinami-dami ng salita ay iyon pa talaga ang nasabi ko.
"Yung babae sa picture... Patay na sya... Wala na sya." Mas maliwanag at kalmado na saad nya.
"Oh..."
Patay na ang babae sa picture na iyon?..
"Kaya wala ka dapat na ikaselos...." Saad nya na nagpaawang sa bibig ko.
Mag poprotesta pa sana ako ngunit tumunog na ang elevator at nauna na syang maglakad kaya sumunod nalang ako.
Selos? Nag selos ako? Wala namang kaselos-selos don, ah?!
"Aray!" Pasigaw na saad ko ng biglang huminto si Vun dahilan para mauntog ako sa malapad nya likod.
Hinarap nya ako. Nagtatangis ang panga nya habang madilim ang tingin sa akin.
Ano na namang ginawa ko?
"B-Bakit?" Halos magkanda-utal-utal na ako sa pagbigkas ng iisang salita na iyon dahil sa sama ng tingin na ipinupukol nya sa akin.
Pumikit sya at hinilot ang sentido bago ako yakapin.
"H-Hoy!!" Sigaw ko dala ng gulat.
Sira-ulo ata 'tong tao na 'to! Bigla-biglang nangyayakap!
"Bitaw!" Sigaw ko ulit ngunit mahigpit ang pagkakayakap nya.
Halos manlaki ang mata ko ng mag-umpisa syang maglakad habang yakap ako.
"Saan Tayo pupunta?!!" Sigaw ko at pilit na kumawala, pero mas malakas sya kaya wala rin iyong nagawa.
Halos makaladkad na ako sa ginagawa nya, kung hindi nya nga lang ako yakap ay marahil kanina pa ako natumba o nadapa.
"Shit!" Impit na sigaw nya ng matapakan ko ang paa nya pero patuloy parin sya sa paglalakad habang yakap ako.
Pabalik kami sa elevator kaya mas lalo akong naguluhan.
Pinag-titinginan narin kami ng tao kaya medyo gumapang ang hiya sa katawan ko. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya para matakpan ang mukha ko.
Gosh! Nakakahiya!
Naramdaman ko na natigilan sya sa ginawa ko ngunit nagpatuloy nalang ulit sya.
*Sniff
Ang bango nya...
Bahagya kong inumpog ang ulo ko sa dibdib nya at wow matigas.
Nag-gi-gym kaya sya? Obviously, oo. Ang tigas ba naman ng dibdib.
Naiangat ko ulit ang ulo ko ng huminto sya sa paglalakad. Nasa harap na kami ng elevator at puno na ito.
"Alis..."
Napatingin ako kay Vun ng sabihin nya iyon. Nasa mga tao sa loob ng elevator ang paningin nya.
Tumaas naman ang kilay ng mga nakasakay sa elevator at yung iba ay kumunot ang noo.
"Nabanaliw kana ba?" Madiin na bulong ko habang nakakulong parin sa bisig nya.
Wala ba syang balak na bitawan ako?!
Hindi nya pinansin ang sinabi ko at tinignan ng matalim ang mga tao sa elevator.
"I said umalis kayo!!" Halos mapatalon ako sa biglaang pagsigaw nya.
Ang laki ng boses nya, lalaking lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata ng mga tao sa elevator at tsaka aligaga na lumabas na elevator.
"Nasisiraan kana ba?!" Inis ulit na tanong ko.
Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip ang papaalisin ang mga tao sa elevator!
Kagaya ng kanina ay hindi nya parin pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator habang yakap-yakap ako.
Ang lakas ng trip mo Vun!
BINABASA MO ANG
Adopted Girl In The Family Of boys
ActionThis is the first story I wrote so expect a lot of mistakes, Thank you. ©Joanyie