CHAPTER 59.1 : Defend

1.1K 38 9
                                    

Meylixxa’s POV

Woooh! Kinakabahan ako! Today was our thesis defense. Kasabay namin sina Xandria at iba pa. Kagroup ko si Treshia’t yung isa pa naming kaklaseng babae.

 

 

“Woi!” Napatingin ako sa pinto’t nakita ko si Karren palapit samin.

 

 

“Good luck sa inyo!” Saad niya’t niyakap kami. Wala siyang Thesis. Hindi Business chuchu ang course niya. She’s taking up BS Psychology and Philosophy. Astig ng course niya ano? Hindi halata sa itsura niyang ganon ang course niya. E tignan niyo kaya yang si Karren. Hindi angkop sa ugali niya ang kurso niya. XD. Dapat course niya, Criminology o kaya, Abogasya.

 

 

“Galingan niyo! Ipasa niyo ‘to kung ayaw niyong bumagsak!”

“Kinakabahan nga ako, Ka.”

 

 

“Wag kang kakabahan Tresh. Kapag tumingin ka sa mga mata ng panelist, don’t let them take over you. You take over them. You should set on your minds na kayo ang mga boss at sila ang mga employee na tuturuan niyo.”

 

 

“Wow. Hindi lang pala ka-pilosopohan ang alam mo ngayon a?” Sambit ko’t natawa lang siya’t pinat ang ulo ko.

 

“Labas na ako. Wag kayong matakot ng hindi kayo magkamali.” Huli niyang sabi bago tuluyang umalis. I sighed and look at Tresh.

 

“Let’s give our best. Tama na ang apat na taon Tresh. Ayoko nang dagdagan pa.” Tumango siya’t bumuntong hininga.

 

“Yaka ‘to! Chicks ‘to!” Natawa lang ako sa pagiging determinado niya.

 

“O, sina Xandria!” Sabay turo ko dun sa tatlong humahawi ng tao sa daraanan.

 

“Woah~ hindi naman halatang seryoso’t prepared sila ano?” Tanong ni Treshia. Andami kasing mga lalaking nakasunod sa kanila’t may dalang mga gamit at product nila.

 

 

“Ano pa bang aasahan? She’s a Grayson after all. Expect the best.” Sagot ko.

 

 

Allaine’s POV

T-the… the ano… tinignan ko yung reviewer ko. Juice colored~ kagabi naman memorize ko na lahat ng ‘to a?

 

 

“Make sure to serve it right.” Tinignan ko si Xandria na kinakausap ang mga magseserve ng product namin mamaya. Ang swerte ko’t kagrupo ko siya. Wala ako masyadong ginastos dahil halos siya lahat sumagot ng mga gastusin.

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon