Xyla’s POV
Nakabusangot lang ako habang nakapangalumbaba. Wala akong kaklase kahit isa sa anim. It was Research at di ko alam kung papasok pa ba yung Prof na yun dahil he or she is 30 minutes late. I turn my head at the left side to see a Creature throwing paper balls at me. I sighed. Is this a kind of bullying o talagang gusto niya lang magpapansin?
Once again, I ignore him. But he continues throwing those things. Naiinis na talaga ako. Mabilis akong tumayo’t kinwelyuhan siya.
“Stop messing with me stupid pathetic beast.” Naaninag kong ngumisi siya. Pipiratin ko yang bibig niya, Makita niya. I sighed and let go of him at kinuha nalang ang bag ko’t lumabas. Wala akong panahon sa mga walang kwentang tao.
Napadpad ako kung saan at napahinto lang ako nung mapansin kong may sumusunod sakin kaya huminto ako’t lumingon. Then I saw 6 guys. Hindi sina Luhan. Mga creepy ang pagmumukha ng mga ‘to’t medyo natatakot ako dahil ngayon ko narealize na nasa likuran pala ako ng middle class building. As I heard when I was in upper class, itong likuran ang pugad ng mga gangster at mafia groups sa school kaya walang nangangahas pumunta dito pero anong ginagawa ko dito?
“Hehe. Looks like someone’s lost.” Sabi nung isang may hawak na bakal na tubo sa balikat niya. Umatras ako’t umaabante sila. Yung kabog ng dibdib ko grabe na.
“Wag kang matakot Ms. Kaming bahala sayo.” Silang bahala? Aba’y baka mapano ako dito. I turn my back and was about to run but I bumped into someone. Tumingala ako’t napahakbang patalikod. Inikot ko ang paningin ko. Ang dami nila. Shet. I need help. Wala akong laban sa mga ‘to. Kakahakbang ko, tumama nalang ang likod ko’t pagtingin ko… I’m cornered.
“Bago ka ano? Ngayon lang kita nakita dito e.”
“Boss, middle class yan. Transferee at kaibigan ata ng mga M-Prince.” Sabi nung isa. Sinong mga M-Prince?
“Talaga? Tch. So kaibigan ka pala ng mga g^gong yun.”
“I don’t know what you’re talking about.” Lumapit siya sakin at inalis ang hoody ko. Now I can see his face clearly. He was about to touch my face pero inilag ko.
“Ang ganda mo. Pero sayang yang ganda mo.” Tinignan ko siya ng masama.
“Ano bang kailangan niyo?” Sinandal niya ko’t halos di ako makahinga ng idiin niya ang mga kuko niya sa leeg ko. I was holding his hand. Nasasakal ako. Tinutok niya sakin yung kutsilyong hawak niya’t naramdaman ko yung kirot ng bahagyang magalusan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
Roman d'amourAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...