CHAPTER 64.3 : Shock Attack (Part 3)

999 42 12
                                    

Meylixxa’s POV

“Ang tagal ata ni Aizha?” Rinig kong tanong ni Kai. Andito kasi ako nakaupo sa tabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy na ngumuya ng popcorn. Sinolo ko yung isang bowl. Nakipag-agawan pa ako nito kay Xiumin at Allaine.

We all eyed to the front door when it opened at sumilay samin ang mukha ni Sehun. Teka… kelan lumabas ‘to? Pagkakaalam ko, hindi pa siya lumalabas mula ng bumalik siya a?

 

 

“San ka galing Sehun? Kanina ka pa lumabas?” Tanong ni Bel at ibinigay ang bowl kay Laurence. Kitams. Walang nakakaalam na lumabas siya.

 

“Ayos lang ako. Nagpahangin lang ako.” Sagot niya’t muli kaming napatingin sa pinto ng pumasok ang Mama’t Papa nila Karren. Napatayo tuloy kaming lahat.

 

“Good evening po.” Bati namin at ngumiti yung Papa nila Karren pero dedma parin ang Mama nila.

 

“Pasok na ako sa kwarto ko.” Saad ni Sehun pero tinawag siya ng Mama nina Karren.

 

“Ihahatid na kita.”

 

“Kaya ko ang sarili ko.” Bakit ganyan sumagot si Sehun? Bakit siya ihahatid ng Mama ni Karren?

 

 

“Karren please! Don’t! Karren!” Now I looked at Karren na sinusundan ni Aizha at ni… Xandria? Bakit umiiyak si Xandria? Natigilan pa si Ka ng Makita ang mga magulang niya.

 

 

“Ano pong ginagawa niyo dito Mama?”

 

“H-Hinatid lang namin ang…”

 

“Bibisitahin ang Kuya mo. Gusto nilang bisitahin ang Kuya mo.” Sagot ni Sehun. Ano bang nangyayari?

 

 

“Xang, ayos ka lang? Bat umiiyak ka?” Nilapitan na si Xandria ng mga pinsan niya. Habang si Aizha naman, hinawakan ang braso ni Karren at umiling. Anong meron? Letche. Naguguluhan ako. Alam kong merong nagaganap dito.

 

 

“May sasabihin ako sa inyong lahat.” Proclaim ni Karren kaya sa kanya na kaming lahat nakatingin pero parang pinipigilan siya ni Aizha.

 

“Gusto kong malaman niyong lahat kung ano ang nalaman ko.”

“Karren, please.” Aizha pleaded and hold her arm pero inalis niya lang ito.

 

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon