CHAPTER 63 : Power of Speech~

1.1K 45 3
                                    

Treshia’s POV

Pvt^. Gandang bati ano? Basagin ko na kaya lahat ng pinggan dito nang magkaroon ng nakamamatay na ingay? Pvt^ talaga. Dinaig pa ang silid dasalan sa katahimikan. Sinadya kong ibagsak ang tinidor ko. Ayan. Nakuha ko lahat ng atensyon nila’t nagkaingay rin sa wakas.

“Sorry.” Paghingi ko ng paumanhin. Kapag talaga wala pang nagsalita dito naku! Kukuha ako ng mikropono at itututok ko sa mga bunganga nila para kahit pagnguya man lang ay makapagbigay ng natatanging tunog.

“So you were all Khier and Karren’s friends?” Haay. Sa wakas nagsalita si Madir.

 

“Opo.” Nakangiti kong sagot. Ni hindi man lang ako nginitian pabalik. Aba’t ang b’tch ng ugali ni Mamaldita a?

 

“So who’s Khier’s girlfriend among you, girls?”

 

“None of them is my girlfriend Ma. They were my friends.” Ito namang lalaking ‘to, pakipot pa e alam ko namang gusto niyang sabihing si Xandria XD.

 

“Diyan nagsisimula yan. Who’s the one closer to Khier?”

 

“Siya po.” Sabay turo ko kay Xandria na hindi na naisubo ang pagkaing isusubo niya sana.

“Saka po siya.” Dagdag ko pa’t itinuro si Allaine na muntik nang mabulunan. E totoo naman e. Close niya ang mga kagrupo niya.

 

“Aww!” Pabulong kong reklamo’t sinamaan ng tingin ang katabi kong parang kabayo kung makapanipa.

 

 

“Anong problema mo?!” Halos pabulong kong tanong. Letche kaya! Ang sakit e. Pagkakaalala ko, alienatic owl lang ‘to. Hindi ko alam nadagdagan pala siya ng specification at naging kabayowl na ang g^go. Hindi niya ako pinansin at kunwaring walang ginawa. Aba’t ang kapal ng kabayowl na ‘to a? Papansin lang ganon?

 

 

“They were all close to me Ma.” Naks. Kelan pa kami naging close ng lalaking itey? Pagkakatanda ko, si Karren lang ang close ko’t never kaming naging friends or feel friends ng Khierture na yan.

 

 

“So tell me Allaine, what do your parents do for living?” Tanong agad ni Mamaldita kay Allaine. Taray.Gumaganon agad? Di ba pwedeng, tell me about yourself muna? O kaya, Ilang taon ka na? Paano mo nakilala ang anak ko? Yung mga ganon.

 

 

“My father was a secretary Ma’am and my mother owns a restaurant.”

“How many branches?”

“Uhh… 5?”

“How ‘bout you Xandria?”

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon