CHAPTER 25 : Christmas Alert

1.2K 57 10
                                    

Xyla’s POV

“If financial…” Nagpatuloy ako sa paggawa ng assignment. Wala ng pasok pero gusto kong tapos ko na lahat para wala na akong poproblemahin sa pasukan. Napatingin ako sa hagdan ng Makita kong pababa silang lahat.

 

 

“Uuwi muna siguro ako samin. Don nalang ako magspespend ng Christmas at New Year.”

 

 

“Ako rin… I miss being home.” Rinig kong sabi nina Sehun at Chen. So, hindi sila dito magpapasko’t magbabagong taon? I averted my gaze when they all looked at me. Tinuloy ko nalang yung ginagawa ko pero nagsiupuan lang sila sa tabi ko. Ayos na kami ni Sehun pero medyo awkward parin.

 

 

“Eh kayo ba? Anong balak niyo, uuwi ba kayo?” Di ko sila pansin at patuloy lang na nagsusulat habang nakikinig sa mga usapan nila.

 

“Balak kong umuwi but I don’t think Dad would accept me.” I stopped writing when I heard Luhan’s voice. What does he mean?

 

“Hanggang ngayon, galit parin sayo ang Daddy mo?”

 

“I think so. I escaped from my engagement party, and put Dad in shame. I don’t think he can still forgive me.” Escaped? Engagement? So Luhan was supposed to be engaged?

 

“E kayo, anong balak niyo?”

 

“Dito lang ako. I would spend Christmas here but for New Year, I together with Dad would go home to visit Mom’s grave.” Even Dr. Xing was our private doctor, may mga pasyente parin siyang iba.

 

“Dito lang din ako dahil kailangan ko pang tapusin ang trabaho sa opisina bago magpasko, but I think I would go home for New Year.” Kris said.

 

“Me and Xiu would go home. Namimiss ko na yung mga kapatid ko’t may kailangan ding sabihin si Papa kaya I’m really obligued to go back home.” So Xiumin and Baekhyun would also leave? Sino pa?

 

“Uuwi rin ako. Kailangan kong bisitahin si Mom at samahang pumunta sa puntod ni Lola.” Tao said

 

“Uhh… Dad and Mom call me last night and they want me for Christmas, I don’t think if I can make it for New Year. Baka doon nalang din ako magcelebrate.” It’s Kyungsoo this time.

 

“Suho and I would stay here. Patapos na kasi yung ginagawa naming building kaya hindi muna pwedeng magbakasyon but I’ll try to go back home by New Year.” Saad naman ni Kai. I simply looked at Chanyeol. Siya nalang hindi nagsasalita.

“Di ako uuwi. Boring ang pasko sa Korea kaya dito nalang ako pero uuwi ako bago mag bagong taon.” Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. So hindi ko sila makakasamang magcelebrate ng pasko? Oh, anong problema don Xandria? Para namang hindi ka sanay. Iba na kasi ngayon. Natahimik silang lahat. Tinupi ko na yung papel ko’t niligpit ang mga gamit ko saka tumayo’t aakyat na sana pero tinawag ako ni Suho kaya humarap ako.

“What’s your plan for Christmas and New Year?”

 

 

“Uuwi ako sa mansion, matutulog at eenjoyin ang bakasyon.” I said and go upstairs. What do they want to hear? Sabihing, ‘Ako, aalis din at pupunta ng England para bisitahin yung grave nila Mammsie at Pappsie.’ Aish! EH ayaw nga akong papuntahin ni Papa don at hindi ko alam kung bakit. Kabanas di ba?

 

Luhan’s POV

I’m a little bit envy with the others. Buti pa sila makakauwi samantalang ako, mukhang malabo. I get my phone when it suddenly rung.

“Hello? … Mom? … I miss you too Mom. … Don’t know if I can. You know the situation. Dad was still mad at me. … I can’t. I don’t want to marry a woman I don’t even love. … I won’t go home Mom. I’m sorry… I love you.” I lie down on my bed and put my arms on my forehead. Looks like I’m going to spend Christmas with the others. At mukhang akong mag-isa ang magcecelebrate ng New Year dahil uuwi lahat. Good for me.

---

It’s December 20 at ngayon magsisiuwian ang mga uuwi para sa pasko. Sehun, Chen, D.O, Tao, Xiumin and Baekhyun are already downstairs with their luggages. Bumaba narin ako.

“Oy, sige… ingat kayo dito ha?”

 

“Pasalubong ha?” Sabi ko habang pababa.

“Sure Lulu. What do you want?” Inakbayan ko si Sehun. He’s my best friend among these boys.

“Anything will do Sehun.” I said and smiled.

“Oh, tara na’t baka mahuli kayo sa flight niyo.” Suho and Lay would bring them to airport.

 

 

“Hoy! Wag kayong uuwi ng walang pasalubong ha?! Mag-iingat kayo!” Sigaw ni Bel saka kumaway-kaway. Ngumiti lang yung anim at tumango. I sighed. Babalik na sana ako ng kwarto ng Makita kong pababa si Xyla.

 

“Bel, wala pa ba ang butler ko?” Tanong niya. Uuwi rin siya?

 

 

“Uuwi ka?” Napatingin siya sakin atsaka tumango ng bahagya. Wow. Ang saya naman. So ako, sina Lay, Kai, Suho, Chanyeol, Kris, Bel at Auntie ang sama-samang magcecelebrate ng Pasko. Tapos sa bagong taon, solo ko ang buong bahay dahil uuwi rin sina Bel at Auntie. Ngumiti nalang ako ng bahagya at umakyat.

 

 

“Ingat sa pag-uwi.” Sabi ko saka ko na siya nilagpasan. Nagkulong nalang ako sa kwarto ko. San kaya ako pupunta para sa bagong taon? May pera namang ipinadala si Mommy kaya may pera akong panggastos. Siguro kung hindi ako tumakas, libre akong makakauwi ngayon sa bahay at hindi mastostop lahat ng credit cards ko’t bank accounts. Pero kung hindi ako tumakas, hindi ako magiging masaya at hindi ko makikilala ang babaeng dahilan para magpatuloy ako sa pagngiti.

~~~

A/N : Achuchu~ drama ng life ng Lulu ko este, natin pala~ XD

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon