Xyla’s POV
“Hala! Ngayon tayo magpeperform ng isang pyesa sa Music at wala pa akong napili. Hindi ako nakapagprepare. Patay na ako nito!” Tiningnan ko lang si Nerdy na kulang nalang ay iuntog niya ang ulo niya sa pader hanggang sa mabasag.
“Tulungan kita gusto mo?” Napatingin siya sakin at lumiwanag bigla ang mukha niya.
“Talaga?” Tumango ako’t tumango-tango siya. Hinawakan ko ang ulo niya’t mahinang idinikit sa pader at paulit-ulit na inuuntog ang ulo niya pero mahina lang. Baka masiraan ng bait ‘to, hindi pa makagraduate. Inalis niya yung kamay ko’t sinamaan ako ng tingin.
“Anong tulong don sa ginawa mo?”
“Tinutulungan kita baka sakaling pag ginawa ko yon, may makuha ka sa utak mo.” Sabi ko’t sumimangot lang siya. Bigla naman natawa yung isa ko pang katabi. We look at him. First time kong makitang tumawa ‘to ng ganito at halos maghugis half-moon yung mga mata niya. Gwapo rin naman ‘tong Creature na ‘to eh, masungit lang saka bwisit sa buhay. I pat his back at natigil siya sa pagtawa at sumeryoso ang mukha.
“Kaya mo yan Creature. Alam kong stress ka na pero wag ka munang mababaliw. Di pa kami nakakarating ng Baguio.” Sinamaan niya lang ako ng tingin. Ngumisi lang ako. Naramdaman kong may sumandal sa balikat ko’t pagtingin ko, si Nerdy pala. Parang ang laki ng problema niya. Nakaupo lang kami sa gilid ng mga locker at nakasandal sa pader.
“Kaasar. Kung bakit ba naman kasi nakakaantok yung mga tinuturo ng mga prof natin? Naparusahan tuloy tayo.” Napabuntong hininga nalang kami ni Nerdy. Wala sana kami dito kung hindi namin tinulugang tatlo yung Eco.
“Ang saya nga eh. Tayong tatlong magkakagrupo ang napalabas.” Sinamaan namin ni Nerdy si Creature pero ngumisi lang siya.
“Kasalanan mo ‘to eh. Kung umuwi kayo agad kahapon, edi sana hindi tayo nangapuyat at hindi ako nadamay sa kalokohan niyo. Kung bakit ba nanghahamon kayo sa dota e mga talunan naman kayo?” Ngumisi ako. Wala naman palang binatbat sakin ang dalawang ‘to eh. Tch.
“Hoy, madaya ka kaya nanalo ka.” Creature said and I just smirk.
“Kasalanan ko ba kung namatay yung PC mo?” Haha! Ang tanga kasi. Pindot ng pindot. Yan tuloy, nashutdown niya. Bobo talaga. Inaantok ako. Napahikab ako’t nagkatinginan kaming tatlo na sabay-sabay humikab. Natawa nalang tuloy kami. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa pader at nakasandal parin si Nerdy sa balikat ko at naramdaman kong may sumandal sa kabila kong balikat kaya tiningnan ko si Creature na nakapikit ang mga mata. Mga antukin.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...