Bel’s POV
Di lumabas ng kwarto si Xyl buong araw. Ni ayaw kumain. Hindi ko alam anong problema niya. Ayaw niyang kumausap ng ibang tao at ayaw niyang papasukin lahat. Wala pa man din si Auntie na pwedeng kumausap sa kanya dahil umuwi sa amin.
“Bel, patulog nalang ako ulit sa kwarto niyo mamaya pwede?” Tumango lang ako’t iniwan si Sienna sa kusina. Looks like my best friend needs me now. Umakyat ako papunta sa kwarto niya’t naabutan ko lahat ng lalaking naghihintay sa labas ng kwarto niya. Napatingin silang lahat sakin.
“Kinausap na ba kayo?” Tanong ko pero umiling lang sila.
“Kanina pa kami katok ng katok pero walang sumasagot. We did ask for a sign if she’s okay and she just threw something to her door.” Kris said. Kumatok ako.
“Xyl, si Bel ‘to.” Tinapat naming lahat ang tenga namin at naghintay ng sagot.
“Pasok.” Nagkatinginan kaming lahat.
“Maiwan kayo dito.” Sabi ko saka binuksan yung pinto ng malaki para Makita rin nila si Xyl. Nakita namin siyang nakaupo sa pinto ng balcony niya habang nakasandal sa sliding door at nakatingin sa labas. Tiningnan ko silang lahat.
“Ayos na ba? Nakita niyo na di ba?” Tumango naman sila kaya sinara ko yung pinto at nilock. Nilapitan ko siya at nakita kong ang lungkot ng mukha niya.
“Anong ginagawa mo diyan? Ang lamig a?” Umupo lang ako kaharap niya’t sumandal sa kabilang side ng sliding door. Tiningnan ko yung tinitingnan niya sa kalangitan. Oh, yung guiding star niya pala. Napatingin ako bigla sa kanya nang marinig ko siyang suminghot.
“Umiiyak ka?”
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...