CHAPTER 46 : Thesis Days [45]

1.2K 49 3
                                    

Xyla’s POV

“Ihalo mo pa kasi. Anong silbi niyang muscles mo kung meron man, kung hindi mo naman ginagamit?” Tiningnan lang niya ako ng masama.

 

 

“Ikaw dito. Try mong maghalo tingnan ko kung di ka mahirapan.” Sabi niya kaya umismid lang ako. Andito kami sa kusina at gumagawa ng biko. Nagtetest kami para sa product namin for thesis. Kita kong pawis na pawis siya. Kanina pa siya nagluluto eh. Kinuha ko yung towel sa balikat ko’t ipinunas sa noo’t mukha niya. Napatingin naman siya sakin pero umiwas din. I saw him blushed. Haha. Ang cute niya palang mamula. Teka, sinabi ko bang cute? Naku, mali kayo ng basa.

 

 

“Pwede na siguro ‘to.” Kumuha siya ng konti saka tinutok sakin yung kutsara. Tiningnan ko lang yon.

 

“Tikman mo.” Hinawakan ko yung kamay niya saka tinikman.

 

“Pweh! Ang init! Ang init!” Tumakbo ako sa ref saka uminom ng malamig na tubig. Ang sakit ng dila ko. Kung bakit ba tinikman ko rin ano?

“Patingin nga?” Nilabas ko yung dila ko’t tiningnan niya.

“Namumula.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Paanong hindi mamumula eh napaso nga. Stupido.

“Oh, tama na yang LQ niyo, asikasuhin niyo yung niluluto niyo’t baka masunog.” Napatingin kaming parehas kay Nerdy.

 

 

“Aba’t ang sarap nang buhay natin ano? Kami ‘tong nagpapakapagod magluto’t ang sarap lang nang upo mo diyan at halos maubos na yung nuts kakapapak mo.” Ngumiti lang siya habang kumakain ng mani. Napailing nalang ako’t bumalik kami ni Creature sa pagluluto.

 

 

“Hoy, basa na yang damit mo.” Sabi ko sa kanya kaya tiningnan niya naman.

 

 

“Magpalit ka muna don at ako nang maghahalo nito.” Kinuha ko sa kamay niya yung sandok at hinalo yung biko. Walanjo! Kasing bigat nang toneladang bigas ‘to. Kung bakit ba kailangang malagkit rice ang gamitin?

 

 

“Ako na. Mukhang mababalian ka ng buto.” Kinuha niya sa kamay ko yung sandok at tiningnan ko siya. Holy cow! I gulped. Bato naman pala ang katawan nito e.

 

“Wag mong pagnasaan ang katawan ko.” Tiningnan ko siya’t nakangisi lang siya.

 

“The word with the capitalize K, KAPAL MO!” Hinampas ko siya ng towel pero tumawa lang siya.

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon