A/N :Wag mabibigla, medyo harsh. Alam niyo namang may tatlong persona si Xyla di ba? Inexplain niya na sa Season 2 yon. Me, Myself, and I, the three personality of hers.
~~~
Xyla’s POV
“I’m home.” Matamlay kong sabi pagpasok ko. Feeling ko naubos ang energy ko dun sa dalawa dahil napagtripan pa nilang pumunta sa arcade at maglaro. Napasubo tuloy ako sa paglalaro ng video game. Tiningnan ko yung sala at wala akong nakitang kahit isang kaluluwa. Blanko rin yung hagdan. Himala. Walang sumalubong sakin. Walang nanonood ng TV. Walang maingay. Nasan ang mga tao dito? Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa kusina. As usual, sina Bel at Yaya lang ang naabutan ko doon.
“Welcome home Xyl.” Tumango nalang ako’t dumiretso sa freezer at nilagay yung mga ice cream don.
“Magbihis ka na hija at kakain na tayo mamayang konti.” Tumango lang ulit ako. Lalabas na sana ako ng kusina pero lumingon ako kina Yaya.
“Nasan sila?”
“Oh, yung iba nasa kwarto siguro nila, nagpapahinga. Sina Chen, DO at yung mga group mates nila, nasa library ata.” Library? I look at my watch. Its 7pm, don’t tell me, dito kakain ang mga frogy’ng yon? Lumabas nalang ako ng tuluyan at dumiretso sa taas. Tinatamad akong maglakad. Gapang nalang kaya ako? Inaantok pa ako. Para naman napakaantukin ko ngayon. I cupped my face and shook my head. Tumataba ba ako o nangangayayat? I sighed.
Nilingon ko yung mga kwarto nila. Sobrang tahimik. Dati tuwing uuwi ako napakaingay pero ngayon, nakakamatay na katahimikan ang sumasalubong sakin. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Nilapag ko yung bag ko sa kama at inalis yung coat ko leaving me with my white blouse and black blazer. Uupo na sana ako when I sense something weird. Nilingon ko yung kabuuan ng kwarto ko at napansin kong nakabukas ng kaunti ang walk-in closet ko.
Napakunot ang noo ko. May pumasok ba dito? I never left my room open kahit kaunting usli, wala. Dahan-dahan akong lumapit doon at hinawakan yung doorknob. Papasok na sana ako pero napatigil ako.
“That girl is so freaking rich huh? Look at her things. This fits with me. Look… ang ganda di ba?”
“Yeah. And look at these bags and shoes, so fashionable and expensive.”
“Do you think she’ll notice if we get one?”
“I don’t think so. Sa dami nito, hindi niya naman siguro mahahalatang may nawawala sa mga gamit niya.”
I clenched my fist and close my eyes. One thing I hate the most is when someone touch my things without my permission and encroach upon my privacy. Even how much things I have, kahit isa lang ang mawala, malalaman at malalaman ko yon. And one thing that can ruin my mood is when someone gets what’s mine. Like I said before, don’t dare to take mine because what’s mine, is MINE.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...