Dandee’s POV
Argh! Taena talaga nitong matakaw na sapatos na ‘to! Litchi! Di na nakuntento sa kinakain at pati labi ko gustong kainin! X|]
“Andito na tayo.” Bumaba ako agad at pinuntahan si Dana na sumakay sa kotse ni Gail. I cling on her arm. Siya pinakaclose ko sa lahat ng pinsan ko. Siya kasi lagi kong kasama kaya ganon.
“May problema ba Dee?” Bahagya akong ngumiti’t umiling.
“Tara. Baka nagsisimula na sila.” Tinungo naming lahat yung AVR kung saan gaganapin yung TD. Andito kaming lahat. Aizha, Gail, Dana, Me, Sienna, Kyle, the boys and even Bel. Si Yaya Paz lang natira sa bahay. Nagday off pa yung may mga trabaho para lang masuportahan sila.
Hindi ko nga akalain na ang dami na pala. Ang dami nang nagmamahal kay Xandy. Kamakailan lang din namin nalaman na may best friend pala siyang lalaki and that was Kyle. Kung hindi pa ako lumabas ng bahay, di ko makikilala yung best friend niyang nakatira sa tabing bahay at isa sa mga nakalimutan niya.
Nakita ko na siya noong debut nila ni Laurence pero hindi ko alam anong relasyon niya kay Xandy not until I asked. Sayang lang at ng harapin siya ni Xandy ay parang tulad rin siya ng iba. Normal na tao na ayaw niyang alamin kung sino.
Nakita namin si Laurence na papasok kaya tinawag namin siya.
“Oy, buti nakaabot kayo, pasok na tayo dahil magsisimula na sina Laur.” Pumasok kami’t sinundan lang namin siya. Umupo kami sa bandang dulo. Ang laki rin pala ng AVR dito. May mga nagdedefend na pero pansin ko, bakante pa yung dalawang upuan nung mga panelist. May hinihintay pa kaya?
“Asan sila?” Tanong ko.
“Nasa likod siguro at naghahanda pa.” Napatango nalang ako. Kinakabahan ako. Daig ko pa yung magdedefend eh. Tinawag na yung next group at agad umandar yung presentation nila. Simula palang pero ang ganda na.
“Kina Xyla pala ‘to eh.” Sabi ni Baekhyun. Nagslide yung presentation at pinakilala yung mga researchers at isa-isa silang lumabas.
“Oh, ang ganda ni Allaine a?” Puna ko.
“Next and last researcher, Xandria Salvador.” Ang galing talaga nung presentation. Sino bang gumawa non? Napatingin kaming lahat sa lumabas na babae mula sa likod.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
Storie d'amoreAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...