CHAPTER 17.1 : Mishap

1.6K 56 1
                                    

Xyla’s POV

I wasn’t in the mood when I woke up. Nakakatamad pumasok. Nakakatamad mag-aral. I look myself in the mirror. Bakit ba hindi nila nahalatang ako si Laurene? Umupo nalang ako sa couch at inalis ang sapatos ko. Wala akong ganang pumasok ngayon. Hinubad ko nalang ang uniform ko’t nagdamit pambahay at inalis ang contacts ko. I clip my bangs leaving my whole face seen and clear. Now I’m really look like Laurene. Wala narin namang maitatago eh.

 

Lumabas ako ng kwarto ko. I look at their doors. Di na ako magtataka kung magbago ang pakikitungo nila sakin. I go downstairs at wala akong nakita sa sala. Maaga pa. Pumunta nalang ako sa dining at naabutan ko sina Bel at Yaya na nag-aalmusal pero wala yung iba.

 

 

“Xyl, kumain ka na.” Umupo ako sa tabi ni Bel. She was siting at Luhan’s seat. Nilingon ko yung mga bakanteng upuan.

 

“Maaga silang umalis. Ni hindi nga kumain eh.”

 

“They’re mad are they?” Bel shrugs her shoulders. I felt Yaya hold my shoulder. I hold her hand.

 

 

“It’s okay hija. Ang mahalaga, pinaliwanag mo sa kanila. Ang mahalaga, kahit itinago mong ikaw si Laurene, ipinakita mo parin sa kanila kung sino ka.” A tear fell from my eyes and I don’t know why. Pinunasan ko nalang yon at ngumiti ng kaunti kay Yaya. Kumain nalang kaming tatlo kahit wala akong gana.

 

 

“Ya, lalabas muna po ako. Kailangan ko lang huminga.” Tumango naman siya’t pinat lang ang balikat ko. I get out of the house and feel the cold breeze of the air. Hindi gaanong maaraw ngayon. Dahil ba December kaya malamig ang simoy ng hangin?

 

 

“Xyla?” Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Kyle. Lumapit siya sakin at nakangiti lang.

 

“Oy…” Bati ko sa kanya. Umupo lang ako sa step ng pinto at tumabi siya sakin.

 

“Wala ka bang pasok ngayon?”

 

 

“Meron pero di ako pumasok. Tinatamad ako.” Tumawa lang siya ng bahagya. Nilingon ko siya pero diretso lang siyang nakatingin. Siya kaya? Kilala ako? Kailangan ko rin bang sabihin sa kanya ang totoo kong pagkatao? Magkaibigan na kami di ba? Iniwas ko na ang tingin ko’t tumingin nalang ng diretso.

 

“Kyle… may sasabihin ako.”

 

“Ano?”

 

 

“Tutal kaibigan naman kita di ba? Ayokong maglihim din at maging unfair sayo. Kasi Kyle, hindi lang ako si Xandria.” Tiningnan ko siya pero nakangiti parin siya.

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon