Kai’s POV
“Ito pa. Linisin mo yan. Kuskusin mong mabuti hanggang matanggal yung dumi.” Utos niya kay Sienna. Kawawa naman si Sienna, kanina pa kuskos ng kuskos sa sahig eh patuloy rin namang tinatapakan ni Xy.
“Sienna, itigil mo na yang pagkuskos, baka maging malinis na yang sahig.” Sabi ko pero di niya ako pinansin. Nilapitan ko siya saka kinuha yung basahang hawak niya.
“Ano ba Kai? Wag mo akong pakealaman. Nag-eenjoy akong maglinis dito kaya doon ka.” Binawi niya sakin yung basahan at nagkuskos ulit. Nag-eenjoy pa siya sa lagay na yan ha? Hindi ko alam kung anong meron at bakit niya sinusunod si Xy pero… sobra naman ata pagpapahirap niya kay Sienna.
Chen’s POV
“That’s wrong. When you want to learn how to stitch, you need to have more patience. Remember that, patience is a virtue.” Pinapanood ko lang sila Xyla at Sienna sa ginagawa nila. Xyla’s teaching Sienna. Himala ano?
“That’s good. Just continue. Don’t expect that to be perfect because you’re just a beginner and remember again that nothing’s perfect. So if you want, just make it the best.” Napapatango nalang si Sienna.
“Wag mong itutok sa mata mo. Gusto mo bang matusok yan? Dapat nakalevel yan sa tiyan mo. Baba mo pa. Yan.” Napailing nalang ako. Minsan todo utos sa kanya ni Xyla pero minsan todo turo naman. Close na ba sila? Hindi halata e.
Lay’s POV
“I bought you a cook book. Pag-aralan mo. Follow the instructions well and choose the best among those cuisines and cook it on Saturday. I’ll judge it kaya wag kang luto lang ng luto. For now, let’s go at the kitchen at tuturuan kita ng mabilis na paggalaw sa kusina.” Tumaas lang ang kilay ko. Anong nangyayari sa dalawang yon? Bakit hands on na hands on si Xyla sa pagtuturo sa kanya? Tumayo kami’t sinundan namin sila. Sumilip lang kami sa kusina at kitang-kita kong tinuturuan niya si Sienna sa paghihiwa.
“That’s good. Dahan-dahan saka mo unti-unting bilisan para masanay ka pero ilayo mo yung kamay mo kung ayaw mong maputol, parang ganito.” She then showed it to her.
“Now try it.” Ginawa naman ni Sienna.
“Iangat mo ng konti yung braso mo. Paano kung nakalongsleeve ka? Madudumihan agad yung suot mo.” Nakita kong nakamasid lang sa kanya si Xyla habang may isinusulat sa papel.
“Para naman silang estudyante at guro. Minsan hindi ko na maintindihan ang dalawang yan. Magkaibigan ba sila o ano?” Nagkibit balikat lang ako.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...