Chen’s POV
“Nasan na yung dalawa DO?” Tanong ko sa kanya habang nagsesearch.
“Di ko alam. Sabi magcCR daw hanggang ngayon di pa nakakabalik. Siguro umuwi na yung mga yon.”
“Ha? E andito pa yung mga bag nila oh.” Nagkibit balikat lang siya. San ba napunta ang dalawang yon? Di pa nga tapos yung researching namin tapos umalis agad?
“AHHHH! HELP!!” Nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Parang may humahagulgol ng iyak at humihingi ng saklolo. Nagkatinginan kami ni D.O. Patuloy lang naming naririnig yung ingay. Tumayo agad ako para sana tignan.
“Sandali lang Chen! Isave muna natin ‘to bago mawala.” Bumalik ako ulit at madaling isinave yon saka kami patakbong lumabas. Nakita namin yung iba na nagmamadali ring bumaba.
“Anong nangyari?” Sabay-sabay naming tanong. Bumaba nalang kaming lahat at naabutan namin si Xyla na nakatayo sa harap nila Abby at Sally. The two girls were crying hard while their holding their cheeks.
“What the hell did happened?!” Tanong ni Kris. Tiningnan lang namin sila.
“This girl, she’s insane! She keeps pulling our hair and slapped us. You have this crazy girl staying in this house! She’s freaking crazy!” Abby said between her sobs. Ang gulo ng mga buhok nila at namumula nga ang mga pisngi nila. I look at Xyla.
“Xyla, anong ginawa mo?” Hindi siya nagsasalita. Nilapitan niya bigla sina Abby at Sally atsaka biglang sinampal ng ubod lakas.
“Now that’s better. You’re cheeks were both red. Hindi na kayo mahihiyang lumabas without wearing your d^mn stupid thick make ups.” Ano bang nangyayari? Nagkakagulo ba sila? May ginawa ba yung dalawa? Mas lalo lang umiyak yung dalawa. Agad bumaba si Kris at hinatak si Xyla. Napaharap siya samin. I can see her eyes. Ngayon ko lang nakita ang ganyang mga mata. Mas nakakatakot siya at parang makapapatay siya ng tao sa anumang oras. She was dead angry. She yanked Kris hand’s away at muling tiningnan yung dalawa.
“Don’t you ever show those freaking faces again. I can’t promise that I can still help myself next time. Baka di ako makapagpigil, mapatay ko na kayo ng tuluyan.” Nangilabot ako sa sinabi niya.
“XYLA!” Kris yelled at her but she never turns her head.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomantizmAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...