Xyla’s POV
First day of going back to class but I didn’t go because I’m too lazy. Wala namang gagawin. I’m sure puro talak lang at kwentuhan ang maririnig ko so why bother going right? Nasa sala ako’t mag-isa lang akong nagsusulsi ng damit ng mga alaga ko. Oh yeah, I know how to sew and stitch, remember? It’s one of my passions.
“Blitz come here and try this.” Binuhat ko siya’t pinasuot yung bago niyang damit. I look at her and the other two.
“Ayan, suits you well.” Nilapag ko na siya’t niligpit yung mga gamit ko.
“Xyla, you know how to sew?” Napatingin ako kay Chen na palapit sakin ngayon. Tumango lang ako habang patuloy na nagliligpit. Umupo siya sa tabi ko.
“Pwede patahi nitong suot ko?” Nakangiti niyang tanong. Tumaas lang ang kilay ko.
“Asan ba yung sira?” Tinaas niya yung kanan niyang braso’t nakita kong sira yung bandang kili-kili. I sighed.
“Hubad.” Sabi ko sa kanya saka binuksan yung sewing kit ko.
“Huh?” Tiningnan ko siya’t naningkit ang mga mata ko.
“Paano ko tatahiin kung suot mo? Stupid Chen.” He chuckled a little saka hinubad yung damit niya pero di ko siya tiningnan. Inabot niya sakin yon at infairness, ang bango ng damit niya. Amoy… amoy baby? I start sewing it saka ko hinagis sa kanya yon at tumayo na’t binitbit yung kit ko.
“Uhh… pwede ko bang ipatahi rin yung iba ko pang mga damit?” Nilingon ko siya’t sinamaan ng tingin.
“What do you think of me? Once is enough.” Iniwan ko na siya’t tuluyang umakyat. Dahil hindi ako pumasok e, hindi rin pumasok yung mga ugok except for those who have their jobs. Papunta na ako ng kwarto ng biglang magbukas yung pinto ng kwarto ni Sehun at lumabas yung pinsan niya. Nagkatinginan kami pero di ko siya pinansin at diretso lang na naglakad.
“I heard that… wala na kayo ng fiancé ko?” Napahinto ako’t napaharap sa kanya. She was just crossing her arms.
“You heard it and you’re still asking?”
“Naninigurado lang. So, wala na akong kaagaw ngayon at hindi mo na siya maaangkin pa. Besides, ang dami naman palang nanliligaw sayo.” Sabi niya habang nakangiti. Ngumisi lang ako.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...