A/N : Late Greetings! Congrats to our Baeby Xyla for getting an award as GODDESS OF THE YEAR(?) thanks to our friend, @AizhaSaporna for reminding! :)
~~~
Xyla’s POV
“Nakakatawa ka pala.”
“Ikaw nga e. Kala ko, puro kasungitan lang ang alam mo.” Sumilip ako sa kusina at nakita ko sina Sienna at Luhan na mukhang nagkakatuwaan. Malayo sa kanya si Sienna. Mukhang nagkakamabutihan sila pero bakit… bakit parang nasasaktan ako?
“Lala, what are you doing there?” Napatingin ako kay Sehun.
“Uhh… wala… wala. Tara Sehun, nood tayo.” Hinatak ko nalang siya paalis don pero lumingon ako ulit sa kusina.
“Ayos ka lang?” Napatingin ako kay Sehun saka tumango. Umupo kami na magkatabi saka nanuod ng paborito niyang Pororo.
“Ba’t ba hilig mo yan?” Tiningnan niya ako saka ngumiti.
“Ikaw ba, bakit paborito mo yung teletubbies?”
“Kasi… masaya sila lagi. Kapag pinapanood ko yon, pakiramdam ko, napupunta ako sa tellytubbyland. That was the first children television series na inenjoy ko when I’m in Britain together with Mammsie kaya ganon ko rin kapaborito ang palabas na yon. Bukod sa masaya, memorable dahil kay Mammsie.” Nakangiti kong sabi. Tiningnan ko siya’t nakangiti lang din siya. Inakbayan niya lang ako kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Ang tagal ko ring hindi nakausap si Sehun.
“Namiss kita Sehun.” Sabi ko sa kanya pero nakatutok lang ako sa TV.
“Mas namiss kita Lala. I thought I would lose you but thanks I didn’t.” He whispered the last but I heard it. My heart was racing as fast as I felt something in my stomach. Parang tulad lang noon, noong magsasalita siya ng mga ganyan. I felt he kiss my head and lean his head on mine. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko’t komportableng sumandal sa kanya.
Sehun’s POV
Nanonood lang kami habang katabi ko siya. Sinilip ko siya at natawa nalang ako ng bahagya ng Makita kong natutulog na siya. Pinatay ko nalang yung TV saka siya binuhat at inakyat sa kwarto niya. I put her on her bed. Nakita kong natutulog rin sina Blitz. Kinumutan ko siya’t inayos. Nilapitan ko si Blitz saka hinimas. Ang laki niya na’t ang lusog. Mukhang alagang-alaga’t hindi napapabayaan ng Mommy niya. Tumayo na ako’t lalabas na sana pero may nahagip akong folder sa center table. Nilapitan ko yon saka kinuha at tiningnan.
‘ONE MONTH CONTRACT’ Binasa ko yun at nakalagda sina Lala’t Sienna. I flip the pages and I saw some rules. Ang dami ko pang rules na nabasa. I flip the page again at grading naman ang Nakikita ko ngayon.
Binasa ko lang yon at medyo nanlaki ang mga mata ko. Signed by Xyla. Napatingin ako kay Lala na mahimbing na natutulog ngayon. So this is the plan? Napangiti ako. Nilagay ko yung folder sa drawer niya. Sorry to intrude Lala. Masaya akong lumabas ng kwarto niya. Wala na pala akong dapat ipangamba pa.
Xyla’s POV
One more week at matatapos na si Sienna.
“Hindi ba natin pwedeng madaliin na ‘to? Natuto na akong magluto, maglaba, maglinis, maghugas ng plato, manahi. Hindi pa ba sapat yon? Pwede bang gawin na natin lahat para matapos na ‘to?” Nagrereklamo siya? Tiningnan ko lang siya.
“Let me share you my favorite song.” Umupo lang siya habang nakasimangot. Umupo ako sa kama’t tinugtog si Mochat pinarinig yung kanta.
[Playing : One Step At A Time – Jordin Sparks]
“… That we find the reasons why, one step at a time…”
“Did you get the message Sienna? One step at a time and don’t rush.” Bumuntong hininga lang siya saka ngumiti.
“Sige, magluluto na ako ng hapunan.” Di ko siya pinansin at tuluyan na siyang lumabas. Kinuha ko yung notebook ko sa drawer at tiningnan ang mga grado niya.
“Six A+ and two A-. One more A+ at papasa na siya.” Tinago ko na ulit yung notebook saka humiga at bumuntong hininga. Nakatingin lang ako sa kisame. Kaya ko ba? Kaya ko bang talaga? Mukha namang… I smiled bitterly as I close my eyes. Ang hirap magdecide. Kung mahal ko man si Luhan, ayoko namang saktan si Sienna pati yung iba. I don’t want to choose.
Naramdaman kong may dumamping kung ano sa labi ko’t napamulat ako ng mga mata. I saw Luhan giving me a long smack. His eyes were closed but mine’s not. Nagsimula na namang kumabog ng malakas ang puso ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko’t nagkunwaring tulog hanggang sa maramdaman kong bumitaw na siya. I felt hands caressing my hair. Oh my God! What should I do? Don’t blush Xandria! Don’t.
“Mylo… I love you… Sinunod ko na ang gusto mo… I tried to be close to Sienna but no matter how I do, Ikaw lang talaga ang nilalaman nitong puso ko.” I heard him whispered. Gusto kong maiyak. Gusto kong matuwa. Gusto kong malungkot. Umikot ako’t namaluktot pero nagkukunwari paring tulog. I felt he kiss my head and heard footsteps walking away. I felt a tear fell from my eyes. Luhan… No… ngayon pa kung kailan malapit ka nang makuha ni Sienna?
~~~
A/N : May hinala na kayo sa nangyayari? *Sigh* Let’s support Xyla, please? Wag niyo siyang iwan kahit ngayon lang…
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomanceAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...