Dandee’s POV
I pout. Bat ganon? Yung iba, perfect happy family na? I look at the man whose driving beside me. Tch. Nagmukmok nalang ako’t tumingin sa labas ng bintana. Ano bang napala ko ng pakasalan ko ‘tong matakaw na ‘to? Puro pagkain ang hinihingi. Never akong hiningian ng anak.
Gusto kong maiyak. Never niyang binanggit ang anak. Issue ba yon? Yes of course it is! Ilang taon na kaming kasal at puro siya business tas pagkauwi ng bahay, pagod siya lagi ᅲᅀᅲ. Pano naman ako? Gusto ko ring humawak ng sariling anak hindi yung puro pagkain at gamit sa kusina ang hawak ko. Ayoko ng ganitong buhay~
“Mrs. Fries ayos ka lang?” Tinitigan ko siya’t malungkot na tinignan bago tuluyang dumiretso papasok ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto at kinalkal yung papeles sa cabinet.
“Anong hinahanap mo? Gusto mo tulungan kita?” Di ko siya pinansin at patuloy na naghanap hanggang nakita ko yung envelope at binuksan. Tinignan ko siyang mabuti. Failure ang marriage na ‘to. Isang napakalaking failure.
“O. Sign it.” Binigay ko sa kanya yon at nagtataka naman niyang kinuha at kunot noong binasa. Tinignan niya gamit yung singkit niyang mga mata at walang sabi-sabing pinunit sa harap ko yung papeles.
“WAAAH! BAT MO PINUNIT?! ALAM MO BANG MAHIRAP KUMUHA NG KOPYA NIYAN?!” Gaa~ This man.
“Ayokong makipagdivorce! Aba! Ang swerte mo kung idivorce kita! Hindi ako makakapayag na iba ang ipagluluto’t pagsisilbihan mo!” My lips quiver at ramdam ko nang papatak na ang mga luha ko sa anumang oras. Puro siya pagkain. Maaanakan niya ba ko ng ganyan?
I clenched my fist at sinagi siya’t diretso baba papuntang kusina. I wore my apron. Kung pwede lang, ihahampas ko sa kanya lahat ng frying pan at kaldero dito. Putcha! Pag di pa siya nabusog sa ipapalamon ko sa kanya, humanda talaga siya!
“Let’s talk.” Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
“Love, ano ba?! Mag-usap tayo! Pansinin mo ko!” Hindi ko parin siya pinansin. Tch. Go talk to yourself.
I was shock when he gets the knife from my hand at inihinarap ako sa kanya. Hindi ko siya tinignan.
“Look at me.” Napahigpit ang hawak ko sa edge ng table saka ko siya dahan-dahang tinignan at yung masamang tingin niya lang angbumati sakin.
“Anong problema’t bigla-bigla gusto mong makipagdivorce?” I bit my lower lip and averted his gaze. Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ko.
“Love… answer me please…” I shook my head. Naramdaman ko yung hawak niya sa braso ko pero inalis ko yon at tinignan siya. Wala akong masabi. Para akong napipipi. Hindi naman ako yung klase ng tao na ganon ka-pranka. I shook my head again and again and burst to tears. I crouched and cried.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 3 ✔
RomantizmAnother page has ended, but the book isn't closed yet. It will just add another page and continue to flip the story that has started. I'm going to school. Another new will form. Class, friends, classmates... love... but... What if... everything chan...