CHAPTER 27 : LULUngkot~

1.3K 55 6
                                    

Luhan’s POV

“Lu, ayaw mo talagang sumama samin?” I shook my head and smiled.

 

“Sige… ingat ka diyan, advance happy New Year nalang.” Bel said and I wave to both her and Auntie.

 

“Ingat po sa pag-uwi Auntie!”

 

 

“Mag-iingat ka rin diyan. Siguraduhin mong nakasara lahat ng pinto kapag umalis ka ha?” Tumango nalang ako’t kumaway hanggang tuluyan nang makaalis ang sinasakyan nilang taxi. I heaved a sigh and get inside. I look at the empty house. Ganito pala kalungkot ang bahay na ‘to kapag nawalan ng tao. Ako nalang mag-isa dahil maagang umalis ang iba dahil maaga ang mga flight nila. Now what?

Nanood nalang ako saka kumaing mag-isa. Parang gusto kong maiyak sa sobrang lungkot. I look at my hands. Nagkasugat-sugat na saka may mga paso. Ni hindi man lang kasi nila ako iniwan ng ready to eat foods kaya I left no choice but to cook on my own. Tiningnan ko yung mga basag na plato sa trash can at yung mga nasayang na pagkain. Tsk. Dapat pala nagpaturo muna ako kay Kyungsoo na magluto bago siya umalis. It’s late night at sinigurado kong nakalock na lahat ng pinto bago ako pumunta ng kwarto ko. I lay down on my bed and hug my pillow as tears starts flowing down.

 

 

“You’re a man, Lu. I know you’ll overcome this.”I mumbled and smiled half as I close my eyes.

 

 

Xyla’s POV

Bel texted me that they left and Luhan was the remaining one at the house. Ang gulo ng utak ko ngayon. Wala siyang kasama don. Hindi naman siya matatakot dahil hindi naman siya tulad ni Sehun na matatakutin. Aish! Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama ko. New Year and Luhan would be celebrating alone. Makakaya mo bang hayaan siyang mag-isa Xyla? Makakaya ko ba? I took my phone and look at the time. It’s already mid night pero di ako pinapatulog ng pesteng kaisipang gumugulo sa utak ko.

 

“Ugh! D*mn it!” I slowly get in my closet and took my jacket and bonet and soon walk out of my room slowly so those puppies wouldn’t be awake. Dahan-dahan akong lumabas ng palasyo at pumunta sa garahe. If I would choose Snoe, maririnig nila ang ingay ng kotse… I then took my black car and get into it. Ito ang pinakatahimik kong kotse I don’t know why I’m sneaking out yet I can actually sneak out without bothering anything. Binaba ko yung bintana ng kotse ko at tiningnan yung si Manong Douglas, our security guard.

“Ma’am, aalis po kayo?”

 

 

“Hindi Manong, papasok ako ulit, buksan mo yung gate saka ako ulit papasok. Aish! Malamang aalis ako.” Inis kong sabi sa kanya’t napakamot nalang siya ng ulo. Halata namang aalis ako tapos magtatanong pa. Wala pa naman ako sa mood ngayon. He opened the gate and I get out of the palace. Mabilis akong nagpatakbo dahil hating gabi naman at hindi traffic at mabilis kong narrating yung subdivision.

A Feeling So Strange 3 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon