Chapter 2 [REVISED]

10.7K 304 2
                                    

Time passed really fast. First year college na kami ngayon.


Sobrang bata pa namin pero sobrang tindi na ng mga pinagdaanan namin. Pero masasabi kong sa lahat ng nangyari sa amin, sobra kaming naging matatag. It mold us not just emotionally, but also spiritually. Ngayon, wala nang takot pa ang bumabalot sa amin sa tuwing may mga nangyayari - hindi naman maiiwasan iyon dahil gangsters ang mga kasama ko.


And as we welcome our college life, inilipat na kami sa iisang dorm. Kasama ng buong barkada, nakatira na kami sa mas malaki at mas masayang tahanan. Magkakasama na kami nila Stone sa pinakataas na palapag ng university dorm namin.


Isa pa sa nadiskubre namin noong bakasyon ay ang pagmamay-ari namin sa Redskull University. Like us, our fathers also bestfriends when they are younger - hanggang ngayon actually. And isa sa mga pinagawa nila ay ang RU.


Ni isa sa amin ay walang alam tungkol sa pangyayaring iyon dahil tinago nila iyon bata pa lang kami.


Isa pa sa mga nangyari noong bakasyon ay ang pagiging opisyal namin ni Heaven.


FLASHBACK


"Kailan mo ba sasagutin si Heaven?" tanong sa akin ni Wind. Sa sinabi niyang iyon, napaisip din ako. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa akin. Maybe, it's time for me to pay all the hardships he've showned.


"Hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam kung paano sabihin, hindi ko alam kung kailan 'yung tamang oras. Baka kasi.." hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang sumingit si Heaven.


"Baka ano?" sa pagdating niyang iyon, bigla akong kinabahan.


Tinignan ko si Wind at tumango siya sa akin.


"Ngayon na ang tamang oras. Sige pre, may sasabihin daw siya sa'yo. Punta muna ako sa sala." nagpaalam na nang tuluyan si Wind. Maya-maya lang ay nasa harap ko na si Heaven.


"Answer me, baka ano?" pagbabalik niya ng tanong.


"Baka wrong timing." nahihiya kong sagot dito.


"Akala ko baka hindi mo na ako gusto eh." he answered in relief. "Alam mo, wala namang wrong timing 'pag ikaw 'yung kasama ko eh. 'Cause being with you makes everything right."


Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. I am drowning through his presence and this keeps on happening again and again.


"May sasabihin ka daw pala sa akin? Ano 'yun?" napalunok ako nang itanong niya na iyon.


Paano ba sabihin 'yun? Unang beses ko pa lang maranasan 'to kaya hindi ko alam kung paano.


Huminga ako nang malalim bago simulan ang sasabihin ko.


"Nagsimula kang manligaw sa akin nang alam mo na may gusto ako sa'yo. At sa paglipas ng oras, ng mga araw, ng mga buwan, pinakita mo sa akin na mahal mo nga ako. Siguro, ito na 'yung tamang pagkakataon para ibalik ko naman sa'yo lahat ng ginawa mo para sa akin. Heaven, mahal din kita."


END OF FLASHBACK


At ngayon nga, kolehiyo na kami.


Unang buwan pa lang namin pero may proyekto na kaagad na ibinigay sa amin.


"I am giving you 5 days to accomplish this task. Class dismiss." tinapos ko lang ang pagsusulat ko at saka sinara ang planner ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na.


"Kailan natin gagawin yung project babe?" nagulat ako nang biglang bumulong sa akin si Heaven. Nahampas ko na lang siya sa braso sa pagkagulat ko kaya tumawa siya pabalik.


"Mamaya na natin tatapusin yun." utos ko sa kanya.


"Mamaya agad?" halos pagrereklamo niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"May angal ka ba?" tanong ko sa kanya.


"Wala naman. Pero kasi.... Alam mo yun, I want to enjoy the night with you." hinampas ko ulit ang braso niya.


"Anong enjoy the night sinasabi mo dyan? HOY MR. RICAFORTE! Gagawin natin to mamayang gabi kahit ayaw mo pa." bigla namang tumawa ang iba pang gangsters at sinimulang asarin si Heaven.


"Boom panes. Wala ka pala eh." asar ni Fire dito,


"Under ka pala eh." dagdag pa ni Adlerie


"Kayo naman! Wala kayong matinong ulam mamaya. Mang-asar pa kayo." baling ko sa kanila.


Tumahimik naman sila at tumayo na rin.


"Tara na nga, gagawa pa ako ng project ko. Ayokong rushed ang kalalabasan nito kaya kung ayaw niyo pang umuwi, mauuna na ako." paalam ko sa mga ito.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon