"Oh? Nasaan si Fire?" tanong ko sa kanila nang mapansin kong wala si Fire habang gumagawa kami ng sari-sarili naming mga projects.
"Busy sa lovelife" sagot ni Leaf na ipinagtaka ko. Tinignan ko silang lahat pero mukhang ako lang ang nagtaka.
"Lovelife?" nagtataka kong tanong.
"Nagkaayos na kasi sila ni Ice" nagulat ako sa narinig ko. Si Ice? Yung nanloko sa kanya? Yung taong pinaglaruan lang siya?
"Bakit niyo naman hinayaan? Alam niyo namang nasaktan na siya noon eh. Bakit—" hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko nang bigla akong halikan ni Heaven.
"Sshh" sabi niya pagkabitaw sa halik naming dalawa. "Wag mo na silang pakialaman. They're both grown-ups kaya alam na nila ang ginagawa nila" dagdag pa niya.
I don't know what to say. Hindi pa rin ako makagat over sa ginawa ni Heaven.
Bumalik lang ang ulirat ko nang biglang tumayo si Stone.
"Sa kwarto na lang ako gagawa" ayan lang ang sinabi niya at tumayo na.
Nagkatinginan kaming lahat at napailing na lang si Greg sa inasta ni Stone.
Ginawa na lang namin ulit ang mga projects namin. Maaga akong natapos kaya tinulungan ko naman si Heaven sa kanya. Maya-maya lang ay natapos na din ako at doon ko lang napansin na kami na lang pala ni Heaven ang kumikilos.
Nakita na lang naming tulog na pala sila. Good thing, tapos na sila sa mga projects nila kaya hindi na namin sila ginising pa.
"Napagod ba ang baby ko?" tanong sa akin ni Heaven habang hinahaplos ang ulo ko.
"Hindi naman masyado. Kaya pa naman." sagot ko pabalik. Sa totoo lang, napagod talaga ako. Minadali kong gawin ang akin para lang matulungan ko si Heaven sa kanya.
"Ako na lang muna yung magluluto ngayon." prisinta niya sa sarili niya. Ako kasi talaga ang nagluluto sa amin pero marunong naman na sila.
"Nandoon na sa ref lahat ng ingredients na gagamitin mo. Kunin mo na lang." he just smiled at me at dumiretso na sa kusina.
That is what I love more about him. Kayang kaya niya akong basahin sa simpleng galaw lang. Alam niya na agad yung nararamdaman ko sa hitsura ko pa lang.
Humiga na rin ako sa sahig katabi nila Leaf at nagpahinga.
Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagtapik sa akin kaya bumangon na ako.
"Sorry kung naabala ko yung pagpapahinga mo pero kakain na kasi tayo. Tara na" I was surprised to see it was Stone. Ngayon na lang ulit niya ako kinausap nang kaming dalawa lang.
"Ay ganun ba? Sige susunod na ako." simpleng sagot ko dito at nginitian siya. Tumayo na siya at naglakad ngunit nagtaka ako nang bigla siyang huminto at bumalik sa kinahihigaan ko. "Oh? Ano yun?" tanong ko ulit sa kanya.
"S-sorry pala sa pag-iwas ko. Alam ko namang ako yung mali eh. Alam kong ipinagsisiksikan ko na lang yung sarili ko sayo. Pero narealize ko kanina, tama na. Ako lang naman yung nagmumukhang kawawa." nakaramdam ako ng awa sa kanya. Bakit kasi ako pa? Hindi ko deserve yung pagmamahal niya sa akin at alam kong may mas deserving pa sa akin para doon.
"Sorry."
"No.. Really. It was my fault. From now on, wala nang iiwas. We're friends anyway." niyakap ko na lang siya bilang tugon.
Masarap isipin na wala nang magiging awkwardness sa amin pagkatapos nito. Masayang isipin na mabubuo na ulit kami nang walang halong kung ano man.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group