Totoo nga ang sabi nila. Kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi na magbabago 'yun. It's just that, natututo lang tayo kung paano limitahan 'yung nararamdaman natin.
As for me, narealize ko na hanggang ngayon... mahal pa rin ako ni Rock.
"Damn it! Hindi magandang biro Hans." kitang-kita sa mga mata niya na nag-aalala siya para sa akin. "Akala ko totoong nalulunod ka na. Paano na lang kung nagkatotoo diba?" sunod-sunod na sita niya sa akin. He is acting like my boyfriend kahit hindi naman. Ang awkward nito lalo na't alam naman naming lahat na nainlove siya sa akin noon.
"Bagay kayo." bigla akong binitawan ni Rock nang bigla kaming lapitan ni Greg para asarin.
"Gago!" sinabuyan ng tubig ni Rock si Greg. Maya-maya lang ay tumawa na ulit si Rock dahil sa nangyaring iyon.
"Tama na nga 'yan. Baka magkatotoong may maaksidente pa eh." biglang sabi ni Ice na sinang-ayunan ng lahat. Pakiramdam ko tuloy, napaka-KJ ko dahil ako ang naging dahilan para tumigil kami.
"Let's just enjoy the beach. Mamaya, magbonfire tayo." pagkasabi noon ni Fire ay umahon na ang iba sa amin. Sumunod na din ako sa kanila at mas pinili ko na lang na umupo sa buhanginan.
Nakatingin ako sa araw na malapit nang lumubog. A beautiful downfall. Buti pa siya, maganda ang pag-alis niya. Sa pag-alis niya, kapayapaan ang iiwan niya. Eh ako? Noong umalis ako, wala akong ibang naidulot kundi mas malaki pang gulo. Umalis ako para umiwas sa gulo pero ako lang pala 'yung gagaan ang pakiramdam. Bakit ba kasi ang bilis kong sumuko? Bakit ba naging duwag ako?
Siguro, napakasaya naming dalawa ngayon kung hindi ako umalis. Baka hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin niya ako. Nakakamiss 'yung mga panahong ang sweet sweet pa namin sa isa't isa. 'Yung mga panahong wala kaming ibang iniisip kundi kaming dalawa lang. 'Yung mga panahong ipinagtatanggol niya ako habang ako, naniniwalang magagawa niya.
"Hi. Pilipino ka din?" napatingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. May hitsura siya. Medyo maputi at mukhang may lahing Australyano. Doon ko lang napansing bumalik na pala silang lahat sa dagat at ako na lang ang naiwan dito.
"O-oo? Bakit?" napakaawkward na bigla na lang may lumapit sa aking hindi ko naman kakilala. Sa panahon ngayon, napakahirap nang magtiwala.
"Wag kang matakot sa akin. Natuwa lang ako na nakakita ako ng Pilipino dito." nakangiting sagot nito sa akin. "Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakakita ng Pilipino dito. Mostly, mga matatandang Pilipino nakikilala ko and it's so rare to find someone na kasing edad ko lang." pagkkwento nito. Nagtataka ako kung paano niya nagagawang makipag-usap sa hindi niya naman kakilala.
"Good for you." maiksing sagot ko dito.
"Napakatipid mo namang magsalita. Mukha ka namang mabait." natatawang sabi nito. "Anyway, I am Clifford." inabot niya ang kanang kamay niya sa akin. I was about to reach for it nang biglang may tumawag sa akin.
"HANS YUKO!!!" napayuko na lang ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group