Chapter 9

6.6K 213 0
                                    

"Hell? Ice?" gulat na sambit ni Leaf nang buksan namin ang pinto.


"Pasok ka." yaya ni Ice dito.


"Teka, dito dorm mo?" nagtatakang tanong ni Leaf kay Ice.


"Yup. Kasama ko sila Winter and especially si Fall." pang-aasar ni Ice dito.


"Badtrip naman oh. Surprise sana sa inyo to eh." pakamot kamot pa sa ulong sabi ni Leaf.


"Quiet lang naman kami kaya okay lang 'yan." nakangiti kong sabi dito.


"Uy! Kanina ka pa pala hinahanap ni Heaven. Bakit ka pala nandito? Naku bahala ka, umuusok na ilong kanina." pananakot nito sa akin ngunit pinili ko na lang na manahimik.


"Ah, si Fall. Nag-aayos pa." singit ni Ice para maiba ang usapan.


"Ay sige ayos lang. Malapit lang naman pupuntahan namin." nakangiting sambit ni Leaf dito.


"Unfair. Di pa kita kilala." bigla namang singit ni Winter.


"Ay hello po." waring nahihiyang bati ni Leaf dito. "Ako nga pala si Leaf. Nice to meet you." inabot nito ang kamay kay Winter at nakipagshake hands.


"Ako naman si Winter. Kaibigan ako ni Fall." pagpapakilala nito. "Kapag sinaktan mo ang kaibigan ko, handa akong manuntok maiganti ko lang siya." parehas kaming natawa ni Ice dahil sa sinabing iyon ni Winter.


"Saktan agad? Di pa nga kami." pabirong pambabara ni Leaf dito.


"Sisiguraduhin kong hindi magiging kayo kapag hindi ka umayos." banta muli nito. Nakita naman naming parang natakot si Leaf dahil sa sinabing iyon ni Winter kaya napahalakhak na kami ni Ice.


"Your face? Priceless." natatawang asar ni Ice dito.


"Aba, ikaw ba naman ang takutin ng ganun." depensa ni Leaf. "Pero wag kang mag-alala. Hindi ko siya sasaktan." 


"Teka nga lang. Tignan ko kung ayos na 'yun." paalam ni Winter bago umalis papunta kay Fall.


"Amazona pala 'yung isang 'yun." komento ni Leaf nang tuluyan nang makaalis si Winter.


"Wala ka pala eh." asar ko dito.


"Anong wala? Ayoko munang magsalita pero gagawin ko naman." sagot nito sa akin.


"Paano nga pala kayo nagkakilala?" nagtatakang tanong ni Ice dito.


Ikinwento naman ni Leaf ang mga nangyari kaya tumawa si Ice.


"Ganoon kabilis? Seryoso?" di makapaniwalang tanong ni Ice.


"Pwede pa naman naming kilalanin ang isa't isa during the process ah? Besides, I'm sure that she's my forever." 


"Wala namang forever. Paano 'yun?" tanong ni Ice dito,


"Then we'll prove it together. Di naman namin kailangan ng witness eh. Kami lang sapat na."


Natahimik kami pagkatapos ng linyang iyon ni Leaf.


"Siya nga pala, umuwi ka na Hell. Dadalhin ko doon si Fall mamaya. Sumama na rin kayo ni Winter kung gusto niyo." yaya ni Leaf.


"Sige. Yayayain ko na lang si Winter. Sabay sabay na kaming pupunta doon mamaya." pagpayag naman ni Ice dito.


"Siya nga pala, bakit ka nandito?" tanong sa akin ni Leaf.


"Naglaro kami nila Ice ng Monopoly."


"Sawa ka na sa baraha o kaya Kpop?" nagtatakang tanong ni Leaf.


"Hindi naman. Pero namiss ko lang maglaro ng Monopoly kasama ni Ice." 


"Feeling ko hindi lang 'yan 'yung rason. May hindi ka sinasabi sa akin eh." 


"Fine. May conflict kami ni Heaven. Pero pupunta pa rin talaga ako dito kahit hindi kami nag-away. Napag-usapan na kasi namin ni Ice na tatambay ako dito ngayon after class."


"Sabi ko na nga ba eh. Eh di umamin ka rin."

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon