Chapter Nineteen [REVISED]

13.2K 403 16
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring yun, nagbago na ang lahat. Bumalik na kami sa dati at kahit may awkwardness pa rin, pinipilit din nila Stone na magreach out sa amin.


 "This one, eto naman yung ilalapat natin sa cardboard" sabi ni Heaven habang itinuturo ang isang floral wire.


 "And that will be metal crafting? Sige, maganda yung idea" sagot ko dito.

Magkapartner kami ni Heaven sa isang project namin sa TLE.


How weird na ang isang gaya niyang gangster ay active pala sa projects.


 "About sa Pyrography natin, the most common is bamboos. So what if instead of a chair, gawin na lang nating design material yung sa pyrography?" suhestiyon niya.


I'm impressed. Ang galing nyang mag-isip. Ni hindi ko manlang naisip yun dahil nakaset-up na sa utak ko ang mga upuan.


 "Sure. Magandang idea yun. Eh yung sa shells?" tanong ko sa kanya.


 "Ako nang bahala dun." sagot niya naman sa akin.


 "Hindi ba yun magiging mahirap?" tanong ko sa kanya.


 "Mahirap. Kasi you need to make sure na hindi mo masisira yung shell kapag binutasan mo. Or else, sobrang laki ng gagastusin natin. Kaya ako na lang since gawaing panglalaki naman yun" sa sinabi niya, natuwa ako.

Panglalaki? So he is considering me as a girl.


Nakakatuwang isipin na may tumatrato sayo nang ganoon.


 "Sige, ako na sa metal. Tapos tulong tayo sa pyrography" suhestiyon ko sa kanya.


Binili na namin ang mga gagamitin namin sa bookstore. Pagkatapos naming makabili ay pumunta naman kami sa malapit sa university naming tindahan ng mga bamboo.


Pagkabili namin, dumiretso na kami sa dorm at naabutan namin sina Leaf na nagkakagulo sa paggawa ng kanila.


Napailing na lang ako. Napansin ko din ang pag-iling ni Heaven.


Sabagay, puro lalaki kaya anong aasahan mo diba?


 "Saan tayo gagawa? Nandyan sila sa sala eh" tanong ko kay Heaven. 


 "Sa kwarto ko na lang" hindi ko alam pero nang sabihin niya yun, may iba akong naramdaman.


I felt important. Kasi hindi ka dadalhin ng isang lalaki sa kwarto niya kung hindi ka mahalaga.


At gaya ng sinabi niya, doon nga namin sa kwarto niya ginawa yung Pyrography.


Ako yung nagdesign ng arrangements at siya naman ang nagsunog.

We used the thing used for cooking. 'Yung parang lighter para masunog yung ibabaw ng mga pagkain? Basta ganun.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon