Tahimik lang akong nakatingin kay Heaven habang nagdadrive siya.
Ano ba talagang nangyayari? Bakit all of a sudden, nagbago siya?
Ganito ba talaga yung totoong Heaven? O nagbago talaga siya?
Either way, I want to find out why. I want to find out how.
"Bakit nakatulala ka?" tanong niya sa akin. Pati yung tono ng pagsasalita niya, nagbago na.
"W-wala" sagot ko sa kanya.
"Mamaya, let's go to the park. Alam ko namang namimiss mo nang lumabas" sabi niya sa akin.
Hindi ko na napigilan pa at nagtanong na ulit ako.
"Teka nga, bakit ba nag-iba ka?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"I told you, nangako lang ako sa daddy mo. Don't assume more" hindi naman sa nag-aassume ako. Pero kasi, iba talaga eh.
"Hindi ako nag-aassume ah" depensa ko sa kanya.
"Whatever" sagot niya sa akin.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa building namin. Naglalakad kami papuntang dorm namin nang makasalubong namin si Stone.
"Uy. Papunta palang sana kami sa ospital. Ano, ayos ka na ba? Pasensya na pala nung nakaraan ah" sunod-sunod na sabi ni Stone. Sasagot na sana ako kay Stone ngunit naunahan ako ni Heaven.
"Ayos na siya" cold na sagot ni Heaven bago ako hinila papunta ng dorm namin.
Nanahimik na lang ako. Alam ko namang may alitan sila kaya ganoon eh.
Nang makarating kami ng dorm, dali-dali akong sumalampak sa upuan.
"Magdahan-dahan ka nga. Baka kung mapano ka nanaman" sita niya sa akin. Ngumuso na lang ako dahil wala naman akong palag doon.
"Matulog ka na muna. Pagkagising mo, pupunta na tayo sa park" parang bata akong tumayo at pumunta ng kwarto ko.
Nagpalit na ako ng damit at pasalampak na humiga sa kama ko.
Mga tatlong oras din ang naging tulog ko. Mahaba na iyon kumpara sa mga tulog ko noong nasa hospital pa lang ako.
Gaya ng sinabi ni Heaven, nagpunta nga kami sa pinakamalapit na park.
Maganda yung lugar. Maraming batang naglalaro, maraming couples na magkasama, at meron ding buong pamilya. Sa totoo lang, masaya silang tignan. Nakakaenjoy at nakakatulong makapagrelax ng isip.
"Gusto mo?" nagulat ako sa pag-aalok ni Heaven sa akin ng ice cream.
Ang bilis naman niya? Kanina lang wala pa yan ah?
"Salamat" sagot ko sa kanya at tinanggap iyon. Natuwa ako dahil strawberry flavor ang binigay niya sa akin. Alam kaya niya? Pero imposible eh. Baka nagkataon lang.
"Gusto mo bang umupo sa bench?" tanong niya.
"Hindi. Okay lang ako" sagot ko naman dito.
Naglakad lakad lang kaming dalawa sa paligid ng park. Nilalasap ko ang ice cream na binigay niya nang bigla siyang magsalita.
"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nagbabago?" tanong niya sa akin.
"Kasi tinutupad mo lang yung pangako mo kay daddy. Nasabi mo na sa akin" sagot ko naman dito.
"Bukod pa diyan, may rason pa ako." Alam ko naman yun eh, halata naman. Hindi naman siya magbabago nang walang ibang rason. Sasabihin ko na sana sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"What is it?" tanong ko sa kanya.
"I've been too harsh. Lagi na lang kitang sinusungitan. Walang araw na hindi ako nagsungit sayo. At nung nalaman kong aalis ka na, nakonsensya ako. Honestly, I love your presence. Ang baduy no? Ang bilis. Pero kasi, ayun naman talaga eh. It triggered out nung nalaman kong iuuwi ka na. Ayoko na. Ayoko nang mawalan pa ulit ng kaibigan kaya gumawa ako ng paraan" nagulat ako sa nalaman ko.
"K-kaibigan? Mawalan ulit?"
"Oo Hans, kaibigan ang turing ko sayo. Hindi man halata pero kaibigan ang tingin ko sayo. Pasensya na kung naging walang kwentang kaibigan ako"
I want to hug him but I failed. Biglang sumakit ang ulo ko at hindi ko nakayanan ang sakit.
"AAHHH" inda ko at bigla na lang nandilim ang paningin ko.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Heaven. Pagkatapos noon, bigla na lang akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group