Paano nya ba ako maaalala? Hindi ko alam pero gagawin ko ang lahat para mangyari 'to.
"Kahit ako, hindi ako makapaniwala na nangyari 'yon. I mean, napakabihira lang na mangyari 'yon ah." sabi ni Ice. Kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kay Heaven dahil nakakagulat naman talaga.
"Sorry, guys. Alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari 'to." nakayuko kong sabi sa mga kaibigan namin.
Sa ngayon, nandito ako sa kwarto nila sa hotel. Baka dito na din muna ako pansamantala dahil wala na akong tutuluyan sa ngayon.
"Alam mo kasi, lahat naman tayo biktima dito eh. Biktima tayo ng sitwasyon na nangyari noon. Pero gaya nga ng sabi ko, "noon" na 'yon. Hindi naman pwedeng sabihin kong 'wag na nating balikan kasi alam naman nating mahirap 'yong kalimutan pero 'wag na tayong bumalik doon. We should focus on the present, kung paano ka nya maaalala ulit at kung paano kayo magkakaayos." sagot ni Fire sabay akbay sa balikat ko.
"Dito ka na muna tumuloy sa amin. Mas madali ka nyang maaalala kapag lagi kayong nagkikita." Nginitian ko si Fall nang sabihin nya 'yon.
"Oo nga. Besides, kahit kaunting beses ka pa lang namin nakakasama, kahit papaano may bonding na rin tayo." dagdag pa ni Winter dito.
"Bakit nyo naman inaagaw si Hans? Amin 'yan eh!" singit naman ni Leaf kaya napalitan ang kaninang malungkot na paligid.
"No. Sa tingin ko, tama sila. Mas maganda nang kanila muna si Hans kasi maguguluhan lalo si Heaven kapag sa iisang kwarto sila tumuloy." pagtanggi naman ni Fire dito.
"Sige na nga." parang batang sagot ni Leaf sabay nguso.
Aaminin ko, sobra ko silang namiss.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group