Bahala na kung magmukha akong tanga sa gagawin ko. Kailangang maalala ako ni Heaven. Kailangan ko siya sa buhay ko.
Hindi ko alam kung saan ako titira pero kailangan ko munang makalayas sa bahay ni Leonard. Ayaw ko na siyang makasama dahil sa nalaman ko. Una akong pupunta sa hospital at pagkatapos nun, hindi ko na alam.
Nang makapag-empake na ako, nagmamadali akong lumabas ng bahay na yun. Pinigilan ako ni Leo kanina pero nagpumiglas ako at wala na siyang magagawa.
Nang makalabas ako, agad akong pumara ng masasakyan papunta sa hospital na iyon. Nang makarating ako, dumiretso kaagad ako sa kwarto kung saan ko nakita si Heaven pero ganoon na lang ang gulat ko nang maabutang wala nang tao doon.
Nasaan siya? Napakalaki ng lugar na ito para hanapin ko sila.
Parang pinagbagsakan ako ng mundo dahil sa lahat ng mga nangyayari. Hindi kasi ako nag-iisip. Masyado akong nagpadalos-dalos sa lahat ng naging desisyon ko. Ngayon, I am nowhere. I am lost in my own fucking world.
Sa huli, napagpasyahan ko na lang na sa hotel na lang muna pansamantala. Mahal siya kung tutuusin pero mas maganda na to kaysa doon sa lugar na ayaw ko.
Nang makarating ako ng hotel, inasikaso ko na agad ang pagreserba ng kwarto. Mabuti na lang pala at hindi ganoong kadami ang mga turista ngayon dahil kung nagkataon, baka nahirapan pa ako sa paghahanap.
Ibinigay na agad sa akin ang susi ng kwartong tutuluyan ko. Umakyat na kaagad ako doon at inayos ang gamit ko.
Dahil wala naman akong gagawin, pinili ko na lang na maglangoy muna. Nagpalit ako ng damit at saka pumunta sa 4th floor kung saan nandoon yung pool.
Nang makarating ako doon, hindi ko inaasahan ang makikita ko... Si Heaven
Pero iba ngayon. May kasama siyang Australianang babae at naghahalikan pa.
Imbis na matuwa ako dahil nagkita kami, parang sinaksak lang ang puso ko dahil doon.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group