Chapter 31

4.9K 158 6
                                    

Napakabilis ng pangyayari. Natamaan ng boomerang si Clifford. At ang malala pa dito, sa ulo siya natamaan.


"What the fuck, bro?" inis na sabi ni Clifford kay Heaven. Tatayo na sana siya kaya pinigilan ko 'to.


"Hindi niya sinasadya. Sorry kung natamaan ka." ako na ang nagpaumanhin para kay Heaven. Umiling na lang si Clifford at bigla na lang umalis.


Nabaling naman ang atensyon ko kay Heaven. Tumakbo siya para pulutin ang boomerang na tumama kay Clifford - which is malapit sa akin. Nang makalapit siya, hindi ko alam kung bakit bigla na lang kumabog nang malakas ang dibdib ko.


"Ayos ka lang?" tanong nito sa akin. Kung tutuusin, hindi naman dapat ako 'yung tinanong niya eh. Hindi naman ako natamaan.


"Oo naman. Kanina ka pa ba dito?" hindi ko na napigilang itanong. Sobra akong nakapokus sa paglubog ng araw kaya hindi ko na namalayan ang paligid ko.


"Oo. May nabasa kasi akong mahilig daw sa boomerang ang mga Australyano kaya sinubukan ko. Akala ko babalik agad siya pero hindi pala." ewan ko pero parang natamaan ako sa sinabi niya. Alam kong hindi dapat kasi boomerang 'yung tinutukoy niya pero bakit parang patama talaga sa 'kin 'yun?


"Madami din akong nakikitang nagboboomerang sa field dati eh. Dapat kinontrol mo 'yung force mo. Baka kasi sobrang lakas nang pagkakahagis mo kaya hindi siya bumalik."


HEAVEN'S POV


Sinasadya ko 'yun. Kanina pa ako nandito at nakatingin lang kay Hans. Napansin kong hindi siya komportable kaya kahit alam kong makakasakit ako, hinagis ko ang boomerang sa kanila.


Effective naman. Napa-alis ko 'yung lalaki. 


"Madami din akong nakikitang nagboboomerang sa field dati eh. Dapat kinontrol mo 'yung force mo. Baka kasi sobrang lakas nang pagkakahagis mo kaya hindi siya bumalik." hindi ko alam pero parang patama sa akin ang sinabi niyang iyon. Baka nga sobrang sakit ng naidulot ko kaya hindi niya naisipang bumalik. Baka napakalala nung rason niya kaya hindi niya na ako binalikan.


--


A/N: Another short update guys 

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon