Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko habang umiiyak. Nasa tapat ako ngayon ng emergency room at hinihintay ang magiging resulta ng operasyon ni Heaven.
Kung hindi dahil sa pagliligtas ni Stone sa akin, siguro'y magkasama kami ngayon ni Heaven sa loob.
FLASHBACK
Nang pumutok ang baril, kataka-takang wala man lang akong naramdaman ni katiting na sakin. Maya-maya lang ay may katawan nang bumagsak sa harapan ko.
Nagtaka ako sa pangyayaring iyon. Ibig sabihin, may iba pang tao ngayon dito na siyang bumaril sa lalaking bumagsak dito sa harapan ko.
Pero sino yun?
"Hans?" boses ni Stone ang naririnig ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil iniligtas niya ako. Hindi kami mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa kanya kaya may galit pa rin akong nararamdaman para sa kanya.
Hindi ako umimik sa kanya. Wala akong pakialam kung pinatay man niya ang lalaki kanina. Ang sa akin lang, kung hindi dahil sa kanya ay wala namang mangyayaring ganito.
Nang maramdaman kong malapit na siya sa kinalulugaran ko, pinigilan ko siya.
"Wag kang lalapit sa akin" banta ko dito.
Pero imbes na makinig ay lumapit pa rin siya.
"Sinabi nang 'wag kang lalapit eh!" nanggagalaiti kong sigaw dito ngunit hindi pa rin niya pinansin.
"Ano ba?!"
Naramdaman ko na lang na nakadikit na siya sa akin noong hinawakan niya ako.
"Lumayo ka! 'Wag mo akong hawakan!" pagpupumiglas ko dito.
Maya-maya lang ay tinanggal niya ang piring sa mata ko at inalis ang mga nakatali sa akin. Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko.
"Ano?! Masaya ka na?" naluluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol.
"Anong sinasabi mo?" maang-maangan niya.
"Shut up! Magmamaang-maangan ka pa? Umamin na 'yung tao mo. Planado mo lahat to!" lahad ko dito habang dinuduro-duro
"Wala akong alam sa sinasabi mo." depensa pa niya sa sarili niya.
"Walang alam? Beyond your insecurities, alam kong kaya mo ngang gawin to. Diba ginusto mo 'to? PATAYIN MO NA RIN AKO!" bulyaw ko sa kanya.
"No, no. It's not what you think." hinawakan niya ako sa kamay ngunit tinaboy ko ito. "Oo, lugar namin 'to." sa sinabi niyang iyon, muli nanaman akong nakapagsalita.
"Nakita mo?! Huli ka na eh! Lugar nyo 'to!"
"Let me explain first." pagpapakalma nito sa akin. "Oo, alam ng gang ko ang nangyari sa amin ni Heaven noon. Sila ang may gawa nito pero wala akong kinalaman dito. Natunugan ko na lang na may mangyayaring ganito kaya napasugod ako." depensa niya. Hindi ko inaasahan ang susunod na sinabi niya. "I never wanted to hurt you. Minahal na kita eh. Mahal kita Hans. Mahal kita kasi kaibigan kita gaya ng pagmamahal ko kay Heaven. But I love you more than that. Hindi mo alam kung gaano ko sinisisi ang sarili ko sa paglayo ng loob mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ko kamuhian ang sarili ko kasi imbis na layuan ang taong muntik ka nang patayin, nilapitan ko pa. Hindi mo alam kung gaano katagal kong itinago tong nararamdaman ko sayo" I was shocked with his confession but I doubt it's not the time for that.
Hindi ko alam kung paano magrereact. Parang nalunok ko ang dila ko dahil sa sinabi niya sa akin.
"Alam kong hindi 'to oras para sabihin 'yun o intindihin 'yun. Pasensya na, hindi ko kasi kakayanin kapag lumayo loob mo sa akin." dagdag pa niya.
Hindi na ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Pero bigla kong napansin si Heaven - nakahandusay sa sahig.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Dire-diretso ako sa lugar ni Heaven at nang makalapit ako, doon ko lang napansin ang tama nito sa tiyan.
Lumapit sa amin si Stone at walang ano-ano'y binuhat nito si Heaven.
"Sumunod ka sa akin. Dadalhin ko kayo sa hospital."
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group