"Teka! Saan ka pupunta?"
"Oy Hans! Bakit may dala kang maleta?"
"Ano nanaman bang nangyari?"
Sunod-sunod na tanong nila. Kahit isa sa kanila, wala akong pinapansin. Alam kong hindi ko dapat sila idamay dahil wala naman silang kasalanan pero alam ko kasing mahihirapan lang akong umalis kapag pinansin ko pa sila.
Lalabas na sana ako ng pinto nang bigla akong harangin nila Adlerie.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Greg sa akin.
"Wala na kayong pake. Padaanin niyo ako, gusto ko nang umalis dito!" doon na muling pumatak ang mga luha ko. Pilit ko silang tinutulak pero hindi ko kaya. Sino ba naman kasing niloloko ko? Napakalalaki ng katawan nila para lang maitulak ko.
"May pake kami kasi kaibigan ka namin! May pake kami kasi mahal ka namin kaya 'wag mo nang ituloy ang pinaplano mo!" nagulat ako nang sumigaw si Rock.
"Padaanin niyo ako, please." halos pabulong ko nang sabi sa mga ito. Nagmamakaawa na ako para lang makaalis sa bahay na ito.
Maya-maya lang ay may mga braso nang pumulupot sa akin. Niyakap ako nito nang mahigpit kaya alam ko nang si Heaven 'yon.
"'Wag. 'Wag mo akong iwan." nagmamakaawang sabi rin nito. Hindi ko na kinaya kaya ibinuhos ko ang buong lakas ko para makatakas sa yakap na iyon at maitulak sila Rock.
Minsan lang ako sumuko. Pero ngayon, susuko ako kasi nasaktan ako
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group