HELL'S POV
"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap" bungad ni Fire sa akin pagkapasok ko ng apartment.
"Ah, sa bahay ng new found friends ko" nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.
"Kakasimula pa lang may friends ka na agad?" tanong ni Wind sa akin na ipinagtaka ko. Bakit? Masama bang makipagkaibigan dito?
"Hindi! Nakita ko lang kanina. Si Stone pati mga kaibigan niya" nagtinginan naman sila at parang may-iba sa mga tingin nila.
"Bakit ka nagpunta doon?" nagulat ako nang cold na boses na ang ginamit sa akin ni Wind. Sino ba sila Stone? Bakit parang kilalang kilala nila ang bawat isa?
"K-kasi" napaisip naman ako kung bakit ako nagpunta doon kanina sa kanila "Nawala bigla si Heaven sa paligid ko. Kaya ayun, nagkita kami tapos ipapakilala daw niya ako sa friends niya"
"SUMAMA KA NAMAN?" hindi ko maintindihan kung galit o inis ang tonong ginamit ni Leaf sa akin pero aaminin ko, kinabahan ako doon.
"W-wala naman akong kasama eh. Edi sumama na ako"
"Kakakilala mo pa lang tapos pinagkatiwalaan mo na agad? Hindi mo pa nga alam ugali nun eh" nasaktan ako dahil kay Fire pa mismo nanggaling yun.
"Kaya nga nakipagkaibigan diba? Para makilala kung ano talaga sila" pagtatanggol ko sa sarili ko at tumaas na din ang boses ko
"PERO DAPAT MONG PILIIN KUNG KANINO KA MAKIKIPAGKAIBIGAN" sigaw ni Wind
"EH ANO BANG PROBLEMA NIYO? BUHAY NIYO BA 'TO? BUHAY KO TO DIBA?" inis kong sigaw sa kanila at inis na pumasok sa kwarto ko.
Ano bang problema nila? Sila ba yung nakipagkaibigan? Ano? Gusto nila sa kanila na lang umikot yung buhay ko? Knowing the fact na kakakilala pa lang namin sa isa't isa, sobra-sobra na yata yung ginagawa nila ngayon.
Nang maggagabi na, pumunta na ako sa kusina at walang imik imik na nagluto. Naiinis pa rin ako sa kanila. Sobra kasing makapagsalita kanina tapos wala namang katuturan yung pinaglalaban nila. Like, what's wrong with that? Kahit paano ko paikut-ikutin yung sitwasyon, wala talagang mali sa nangyari kanina.
"H-Hell" napatingin ako sa nagsalita at muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa pagluluto nang makita kong si Fire iyon.
"Psst" bumalik na siya sa dati. Iba nang Fire ang tumatawag sa akin ngayon. Wala na yung bakas ng galit sa tono niya at naging maamo na ulit siya.
"Sorry na oh. Gusto ka lang namin protektahan" lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
Siguro, kung hindi ako naiinis, baka kinilig pa ako. Pero lalo akong nainis sa sinabi niya sa akin.
"Protektahan? Ano ako? Bata?" inis kong sagot dito
"Diba, ikaw princess namin? Kami yung knights mo. Kaya dapat, protektahan ka namin. Hayaan mo, pwede mo nang gawing kaibigan ang mga yun"
At ngayon, pumayag sila. Eh ano ngayon? In the first place, I don't even need their opinion. I can work on my own at kaya kong magdesisyon para sa sarili ko.
Hindi ko pa rin siya pinapansin. Napagod na siguro sa kakasuyo sa akin kaya umalis na siya. Wala namang magagawa 'yang panunuyo niya eh.
Pagkatapos kong magluto ay naghanda na ako ng lamesa at lumabas ng dorm namin.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group