Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. All I can see is a dark empty space. Wala ring ingay na maririnig rito.
I tried roaming around the place and still, it's just the same. Madilim, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakakatakot dahil hindi mo alam kung ano 'yung nakapalibot sa'yo.
Then suddenly, I heard something creepy. It's like a growl of a tiger. Nasa gubat ba ako? Bakit walang huni ng mga ibon? Bakit walang tunog ng mga dahon ng puno? Bakit tigre lang ang narinig ko?
Papalapit na nang papalapit sa lugar ko ang tigre. Not sure of where I'll go, I ended up running towards my left side.
Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Hindi ko na rin alam kung nasaan ang tigreng iyon.
But then, I suddenly saw light. Tumakbo ako papunta sa kung saan man nanggagaling ang ilaw na yun. And when I came there, the growling of a wild tiger stops.
Unti-unti na akong nabuhayan nang loob hanggang sa makita ko ang paligid ko. Sobrang liwanag. Miski ang sahig na tinatapakan ko, mistulang ulap.
Naglakad lang ako nang naglakad ngunit ganoon pa rin.
Nasa langit na ba ako? Hindi ko alam pero bigla akong natakot. Ayoko pang mamatay. Hindi pa ngayon.
Naglakad pa ako para makasiguro kung tama nga ang pinupuntahan ko. Tama bang patay na ako?
Totoo bang nabaril ako?
Bakit ako lang?
Nasaan sila?
Nasaan yung mga gangsters na yun?
Ligtas na ba sila? Sana nga. Kung may nasaktan man, sana ako na lang.
Umupo ako sa kinatatayuan ko dahil wala na akong mapupuntahan. Ganito ba sa langit?
Ganito ba kalawak ang langit?
Ganito ba kalungkot sa langit?
Ganito ba kaliwanag sa langit?
Ang alam ko kasi, masaya doon. May paraiso, may water falls, at maraming anghel. Bakit naging ganito? Wala ang paraisong alam ko. Walang water falls at higit sa lahat, walang mga anghel. Bakit wala akong kasama dito?
Umub-ob ako sa isang tabi. Baka isang panaginip lang ito. Sana nga nananaginip lang ako.
Nagulat ako nang bigla akong nakarinig nang malatambol na tunog.
Dugdug
Dugdug
Dugdug
That's how it sounds like. Paulit ulit ang tunog na iyon kaya't nagpasya na akong hanapin iyon.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinubukang sundan kung saan man nanggagaling ang tunog na iyon. Naglakad na ako hanggang sa nakita ko ang isang malaking puso. Ang lakas ng tibok nito. Kitang kita kung paano ito gumalaw kaya namangha ako.
Lalapitan ko sana ito nang bigla na lang bumukas ang inaapakan ko at nalaglag ako.
Pagkadilat ko ng mga mata ko, puti nanaman ang bumungad sa akin. Ano na naman ba ito?
Aakalain ko sanang panaginip nanaman to nang marinig ko ang mga boses nila.
"Gising na siya" mahina ngunit sapat na upang maintindihan ko. It was Fire.
Pero muli ko nanamang naalala ang panaginip ko. Ano ang ibig sabihin nun? Bakit napunta ako sa langit? Bakit madilim nung una? Bakit may tigre? At higit sa lahat, bakit may puso?
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group