"Alam mo, gusto sana kitang ipakilala sa mga kadorm ko. Don't worry, mababait sila. Pero kapag kasama kasi 'yung mga gangsters na 'yun, di sila papayag. Over protective masyado 'yung mga 'yun eh." kwento niya sa akin habang kumakain kaming dalawa.
"Sige. Kailan ba?" tanong ko dito.
"May klase pa kasi sila ngayon eh. Ganito na lang, mamaya after class, sabihin natin sa kanilang magbobonding pa tayo. Okay ba?" tanong nito sa akin.
"Oo naman. Sige." pagpayag ko dito.
Sobrang tagal na simula noong huli naming bonding kaya walang rason para tumanggi ako ngayon.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa kanya-kanyang klase namin.
Pagkarating ko sa amin, agad akong kinamusta ni Heaven na tinawanan ko lang.
"Bakit ka tumatawa? I'm just curious." paliwanag niya.
"Sa canteen lang kami pumunta tapos makakamusta ka naman diyan. Ang OA mo." natatawa kong sagot dito.
"Parang ayaw mo naman yatang maging concern ako. Fine." seryosong sagot nito kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Uy! Ang OA mo talaga." sita ko dito nang mapansing nawala na siya sa mood.
Grabe naman. Napaka-OA talaga kung magagalit siya sa akin dahil lang doon.
Kakausapin ko pa sana siya nang biglang dumating ang professor namin.
Nagturo lang ito sa amin tungkol sa lesson na wala naman akong naintindihan dahil si Heaven lang ang nasa utak ko ngayon.
Hindi naman kasi sapat na rason 'yun para balewalain niya ako diba?
Nakakainis siya. Napakababaw ng rason niya para hindi ako pansinin nang ganun.
"Uy!" bumalik ang ulirat ko nang bigla akong gulatin ni Wind.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko dito.
"Nag-away kayo ni Heaven no? Parehas kasi kayong tulala. Siya nga pala, sabi ni sir, group yourselves into 5 daw. Since 5 na tayo, tayo-tayo na ang magkakasama." paliwanag nito sa akin.
"Ah ganun ba? Sige." sagot ko dito at tumayo na.
"Pinapagawa sa atin 'yung mga answer sheets sa english eh. Tigdadalawang exercises daw tayo ng sasagutan. So, bahala na kayo mamili ng inyo. Akin na 'yung matitira." paliwanag sa akin ni Wind.
"Anong pages?" tanong ko dito.
"80-100" sagot naman nito kaya binuklat ko na ang libro ko.
"Sige, ako na sa first two." prisinta ko dito at muli nang umupo sa upuan ko. Sinimulan ko nang gawin ang pinapagawa sa amin.
Mayroon palang pinapabasang istorya sa amin. Kailangang basahin iyon upang makasagot sa mga tanong.
Binasa ko na iyon at nang matapos ako ay sinagutan ko na ang mga katanungan.
Nang matapos ako, pinunit ko na ang mga nasagutan kong pahina at saka ako tumayo at ibinigay iyon kay Wind.
"Ikaw na bahala diyan. Mauna na ako." paalam ko dito. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at bumalik na sa pwesto ko.
Kinuha ko lang ang mga gamit ko at saka lumabas na.
Buti na lang, ibinigay ni Ice ang numero niya kanina kaya't inilabas ko ang cellphone ko para itext siya.
Ice, nasaan ka na? Nandito ako sa canteen, di na kailangang magpaliwanag sa kanila kung nasaan ako.
Pagsisinungaling ko dito. Maya-maya lang, natanaw ko nang paparating siya.
"Ang bilis mo yata? Nagcut ka no?" tanong nito sa akin.
"Lumabas naman 'yung prof kaya ayos lang 'yun. Tara na, punta na tayo sa dorm niyo."
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group