Chapter Three [REVISED]

22.9K 686 16
                                    

Hapon na nang magising ako. Bumangon na ako sa kama ko at dumiretso sa kusina. I want to cook for them.


Pagkarating ko ng kusina, nakita kong sobrang linis noon at tubig lang ang laman.


 "We don't stock foods. We usually eat outside that's why" nagulat ako nang may sumingit sa gilid ko. Tinignan ko siya at nakita kong si Heaven pala iyon.


 "Ah ganun ba? Teka, kumain ka na?" naglakad siya palayo habang umiiling. Ibig sabihin, hindi pa siya kumakain. Eh yung iba kaya?


Pumunta ako sa sala at naabutan kong naglalaro sila ng baraha. Siguro, ito na ang libangan nila dito since isa sa mga rules na nabasa ko is bawal ang bisyo.


 "Uhmmm, ano kasi, itatanong ko lang kung kumain na kayo?" nahihiya ako kasi nakatingin sa akin si Fire. Aaminin ko, crush ko na siya. Gwapo kasi siya at saka malaki ang katawan. He's my ideal man. Well, sa physical quality lang naman.


 "Kami, oo. Si Heaven hindi pa" nagtaka naman ako. Bakit? Paano nangyaring siya lang ang hindi pa?


 "Ah. Okay. Lalabas lang ako saglit. Bibili lang ako ng para kay Heaven at para sa pagkain mamaya" sabi ko sabay alis na.


Pumunta ako sa palengke. Nakakita ako doon ng chicken kaya naisipan kong Chicken Adobo na lang ang lulutuin ko. Bumili ako ng 2 kilong manok at 3 pirasong patatas. Bumili rin ako ng toyo at suka. Bumili rin ako ng iba pang kakailanganin para sa Adobo.


Umuwi agad ako at naabutan kong nagsisigarilyo si Heaven sa corridor. Napailing na lang ako. Of all the things, ang pinakaayoko ay yung mga nagsisigarilyo at nag-iinom. And besides, bawal 'yan ah?


"You usually do that?" tanong ko kay Heaven. "Bawal 'yan dito ah?"


"You don't care. Tss" doon ko napatunayan na sa kanilang lahat, si Heaven ang pinakacold. Binalewala ko na lang iyon at pumasok na ako sa loob.


Nagluto na ako ng para sa tanghalian namin ni Heaven. Isinama ko na rin dito yung panghapunan namin mamaya.


Pagkatapos ko magluto, nagsandok na ako sa dalawang pinggan. Pumunta ako sa corridor para sunduin siya pero wala na siya doon. Napakunot na lang ang noo ko.


 'Grabe talaga, saan kaya pumunta yun?' bulong ko sa sarili ko


Pumasok ulit ako sa loob at pagkapasok ko, nakita ko siyang kumakain na.

Great. Just great. Take note of the sarcasm.


Umupo na ako sa kabilang side ng lamesa at kumain na lang din. Pagkatapos namin kumain, naghugas na ako ng pinggan.


Pagkatapos ay dumiretso na ako sa sala. Naglalaro pa rin sila ng baraha at nakita kong ang daming pulbos sa mukha ni Leaf.


 "Oh! Ilan yan?" tanong ni Fire kay Wind.


 "7 na lang" pagmamayabang ni Wind pabalik kay Fire.


 "Eh ako 3 na lang eh." nakatong-its kasi si Leaf kaya nagpapababaan sila kung sino ang magbabalasa. Nagtawanan sila at pinahiran nila ng pulbos si Fire.


 "Oh Hell. Sali ka?" tanong ni Leaf sa akin


 "I don't play that. Hindi ako marunong niyan eh" lumaki ako na puro electronic gadgets, sandok, kawali, walis, at kung ano ano pa ang hawak ko but never a playing card.


 "Gusto mo turuan kita?" tanong ni Fire sa akin. Kinilig naman ako kaya pakiramdam ko, namula ang pisngi ko.


 "S-sige ba" pinaupo niya ako sa tabi niya. Tinuruan niya ako kung paano maglaro noon. Ang sabi niya, it's either trios, quadras, or straight yung gagawin ko. Tapos, tinuro niya rin yung ikot sa akin. Tinuro niya kung kailan pwedeng magchow at bumunot ng baraha sa gitna.


Pagkatapos lang ng ilang minuto, natuto na agad ako.


 "Sige nga Hell, ikaw nga muna dito" panghahamon sa akin ni Fire. Dahil ayaw kong masayang efforts niya, ginalingan ko.


Nakatong-its si Wind at nagpataasan kami ni Leaf.


 "Ilan ka?" tanong ko sa kanya


 "18 pa eh" napasigaw ako sa tuwa.

 "Yes!! 12 pa ako eh, akala ko talo na" natutuwa kong sabi sa kanila

 "Tss" napansin na lang namin na nanonood pala si Heaven sa amin.

 "Ah, Hell, nakapag-enroll ka na ba?" tanong ni Leaf sa akin.


 "Hindi pa nga eh. Baka bukas" sabi ko naman sa kanya


 "May lakad ako bukas eh. Hindi kita masasamahan" ang sabi ni Fire. Deep inside, I expected him to join me. Inexpect ko nga ba o gusto ko lang talaga?


 "Pinapapunta ako nila mommy sa amin bukas eh. Ibabalik na yata yung kotse ko kaya hindi rin kita masasamahan" sabi din ni Leaf.


 "Hindi rin ako pwede bukas. I'll visit my younger brother" sabi ni Wind. Iniintay ko si Heaven na magsalita pero hindi niya ginawa.


Tinignan namin siya at doon, napilitan siyang magsalita.


 "Fine! I'll join him" cold na sabi niya


 "Salamat" mahina kong sagot sa kanya


Nagpatuloy ang laro namin ng tong-its. Nagsasalitsalitan kami ni Fire sa pwesto. Maraming beses kaming napahiran ng pulbos pero mas maraming beses kaming nanalo.


 "Gabi na oh, may kanya kanya pa kayong lakad bukas. Kumain na tayo" ang cold na sabi ni Heaven. Nagtayuan naman kaming lahat at kumain na.


Pagkatapos, nagpunta na sila sa kanya kanyang kwarto nila. Ako naman, naghugas na ng pinggan at pagkatapos, pumunta na rin ako sa kwarto ko

Before, I thought gangsters are scary, fury, and the like. Pero hindi pala. They are different. They are weirdos.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon