"Sa susunod, sa amin ka na sasama ah" bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni Fire.
"Ay ang kulit. Sabi ko naman kasi sa inyo, okay lang talaga ako" natatawa kong sabi. Napakaover protective kasi nila simula nung dumating ako. Ngayon, they are giving me food na si Leaf daw ang nagluto. And for me, this is such an effort especially from a person who knows nothing in the kitchen.
"O sige, titigil na kami. But at least, eat this food" I sighed and get what they are giving me.
"Haay. Ayan na ah"
I felt weird while eating because they are looking at me all the time, as if something is going to happen again.
Pagkatapos kong kumain, tatayo na sana ako ngunit pinigilan nanaman nila ako.
"Magpahinga ka na. Kami na dito" ang sabi ni Wind matapos akong paupuing muli.
"Kaya ko na, ako na diyan"
"Sige, kapag nagpumilit ka pa, hindi ka namin kakausapin sa buong araw" sa sinabi ni Fire, bigla akong natahimik
"Our princess, maaari ka na pong dumiretso sa iyong kwarto" nagtawanan kami sa sinabi ni Leaf dahil tumayo siya at nagbow pa sa akin. Pero dahil alam ko na ang sasabihin ni Fire, tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko.
Kahit nasa loob na ako ng kwarto, naririnig ko pa rin silang mag-usap sa kusina.
Pero ngayon ko lang naalala, nasaan nga pala si Heaven?
"MALIII!!!!!! Sa sponge mo ilalagay yung sabon" rinig kong sigaw ni Leaf
"Uy hindi ah. Sa pinggan kaya. Tapos gagamitan ng kamay tsaka babanlawan. Pangtuyo lang yung sponge dyan" unti unti akong natawa sa mga pinagsasabi nila
Mahahalata mong rich kid talaga sila dahil mga wala silang alam sa gawaing bahay
"Sa sponge nga kasi sabi. Tignan mo, ang dumi pa rin" sigaw muli ni Leaf
"ANO BA??? ANG INGAY AH" natahimik kaming lahat dahil sa sigaw ni Heaven, miski ako'y nagulat dahil doon.
Oh? Anong problema nung lalaking yun?
"Lumayas nga kayo diyan! Ako na maghuhugas" oh? Naghuhugas naman pala siya ng pinggan eh?
"Ayan! Ikaw kasi" malakas na bulong ni Fire na rinig hanggang sa kwarto ko.
Natatawa ako sa inasta nila. Nakakatawang isipin na sa kabila ng masasamang interpretasyon sa mga gangsters - sa kabila ng matapang nilang dating, may side pala silang ganito.
Nung una, akala ko adventure ang pinuntahan ko. Akala ko thrilling ang mangyayari pero sobrang light pala.
Maya-maya lang ay may kumatok sa kwarto ko.
"Pasok"
Pumasok sa kwarto ko sina Leaf, Fire at Wind.
"Hell, gusto mong magbaraha?" tanong sa akin ni Wind.
"Kampi ulit tayo dali." sabi naman ni Fire sa akin.
Pumayag akong makipaglaro sa kanila. Kagaya nga nung una naming laro, magkakampi kami ni Fire. Nagpahiran din kami ng lipstick sa mukha kapag natatalo.
Nang matapos ang laro, si Wind ang may pinakamaraming lipstick sa mukha.
"Picture tayo dali." yaya ko sa kanila. Pumayag naman sila at nakarami kaming litrato.
"Grabe kayo. Mukha akong demonyo sa sobrang pula ng mukha ko." nagtawanan kami habang tinitignan ni Wind ang sarili nya sa picture.
"May pasok pa bukas. Matulog na kayo!" nagulat kami nang sumigaw nanaman si Heaven.
Tss. Mr. PMS. Daig pa ako kung makapagsungit.
"Matulog na daw tayo sabi ni sir." nagtawanan kami sa sinabi ni Leaf at tumayo na silang tatlo.
"See you tomorrow"
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Ficção AdolescenteI'm not scared with them. They are just a group