Chapter 33

5.1K 164 5
                                    

Para saan 'yun? Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina sa kusina. Bakit niya ako niyakap? 


FLASHBACK


Niyakap ako ni Heaven... Gusto kong magsalita pero baka masira ko 'yung moment. 


Nang mapagdesisyunan ko nang magsalita, bigla siyang kumalas at naglakad papalayo.


END OF FLASHBACK


Naaalala niya na ba ako? O baka naman pinipilit niya lang 'yung sarili niyang alalahanin ako? Baka pinipilit niya lang na mahalin ako ulit.


Maya-maya lang ay biglang tumunog ang pinto ng kwarto namin kaya bigla kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Hindi ko rin alam kung tama bang ganoon ang ginawa ko.


Ilang saglit lang ay humiga na siya sa kama naming dalawa. Magkatabi na kami ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil doon kaya hindi ako mapakali.


"Hans." kinabahan ako nang tawagin niya ako. Hindi ko alam kung paano sasagot kaya ang ginawa ko na lang, hinarap ko siya at wala nang sinabi pa. "Kanina..." napakatagal bago niya dugtungan ang sinabi niya na lalong nagpadagdag ng kaba ko. "Niyakap kita..."


HEAVEN'S POV


Shit! Hindi ko alam kung paano aaminin sa kanya. Kinakabahan ako. Sobra akong hindi mapakali basta ang alam ko lang, gusto ko nang malaman niya.


"Niyakap kita kasi mahal kita." nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Parang tanga pero ang bilis kitang naalala. All this time, I'm pretending that I can't remember anything but the truth is, I do. Alam kong mahal kita. Alam ko kung ano 'yung nangyari noon at ang lahat-lahat. Hindi ko masabi sa 'yo kasi hindi ko alam kung paano. Hindi ko masabi sa 'yo kasi natatakot ako." kahit madilim, nakita kong napaluha siya. I want to hug him, again, pero natatakot ako na baka hindi niya na ako mahal gaya noon. "But I want you to know that nothing has changed. Mahal na mahal pa rin kita."


HANS's POV


Hindi na ako nakapagpigil pa. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa mga sinabi niya. Mahal na mahal ko pa rin siya.


"Anong ibig sabihin nito?" parang nagtataka pa siya nang itanong iyon. Instead of answering, hinalikan ko siya sa labi para sagutin iyon. 


This night will be filled with love. Sobrang saya ko.



Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon