"Dalawang linggo na lang, aalis na ulit kami." biglang sabi sa akin ni Wind. Magkasama kami ngayon sa lobby ng hotel habang hinihintay yung iba naming kasama. Naisipan ko kasing ilibot sila sa lugar namin para kahit papaano, makita nila yung ilang lugar dito. "You only have two weeks to have him again. Unless, sasama ka na ulit sa amin."
Napatingin na lang ako sa kanya. Nalungkot ako sa nalaman ko kasi napakaiksi na lang n'ong panahon. Kailangan ko pang tapusin ang pag-aaral ko dito. 2 taon pa bago ulit ako makabalik ng Pilipinas.
Dalawang linggo. Posible kayang maalala niya ako?
Kahit anong mangyari, gagawin ko lang lahat ng alam kong magpapasaya sa kanya. Kahit di niya muna ako maalala, may pagkakataon pa namang mangyari 'yon.
"Tara na?" napansin naming nandyan na pala sila. Si Heaven, nakapolo at maong shorts na bumagay sa kanya. Gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Tabi kami ni Hans!" biglang sigaw ni Ice bago kami sumakay ng sasakyan.
"May kapares tayong lahat dito. Si Heaven lang wala so sila na lang magsama since may pinagsamahan naman sila noon." singit naman ni Leaf kaya nagtinginan lahat sa kanya. Balewala lang yata kay Heaven dahil hindi siya nagreact.
"Haay. Sige na nga. Tara na." sumakay na kami sa van na magtotour sa amin dito. Dahil malayo layo ang biyahe, natulog na muna ako...
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group