"Hans?" napatingin ako sa pinto nang makita kong nandoon si Fire.
"Kilala mo 'yan Fire?" patuloy pa rin ako sa pag-iyak ngayon.
"S-sandali lang Heaven, kakausapin ko lang siya sa labas." hinila ako ni Fire papalabas ng kwarto ni Heaven.
"Fire ano 'yon? Bakit gan'on?" hindi ko na napigilang itanong. Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon dahil sa inasta ni Heaven.
"Nagkulong kasi 'yan sa kwarto ng tatlong araw eh. Hindi kumakain, hindi lumalabas. Puro alak lang ang laman ng tiyan niya. Ni isa sa amin wala 'yang kinausap kaya nagulat na lang kami isang araw, n'ong pinasok ni Wind 'yong kwarto ni Heaven, wala na daw malay 'yan. Sabi ng doctor, epekto daw ng alak at may posibilidad daw na magkaamnesia siya dahil d'on." hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. Ayaw kong maniwala na nagkaamnesia nga si Heaven. Pero bakit siya maglalasing? Kung dahil sa akin, bakit ngayon lang?
"Teka! Amnesia dahil sa alak? May gan'on ba Fire? Walang gan'on Fire kaya please, sabihin mo sa akin kung iniiwasan lang ako ni Heaven! Mas matatanggap ko kung gan'on 'yong mangyayari!" humahagulgol kong pakiusap sa kanya.
"'Yon ang sinabi ng doctor Hans. Sa kaso ni Heaven, retrograde amnesia daw ang nangyari kasi naaalala pa niya kung sino kami at kung sino siya. Ngayon pa lang siya nagkaganyan at ikaw lang ang nakalimutan niya. Sabi ng doctor, nangyayari daw 'yon kapag pinipilit daw ng pasyenteng kalimutan 'yong isang tao." para akong sinaksak ngayon. Mas masakit pa sa tama ng bala na nangyari sa akin noon ang nalaman ko ngayon at hinihiling ko na tamaan na lang sana ako ng bala kaysa mangyari 'to.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papalabas ng hospital na iyon na hindi ko alam kung saan pupunta. Gusto kong sumigaw sa kawalan. Gusto kong kainin na ako ng lupapara mawala na ako sa mundong 'to. Ayaw ko na.
Aminado akong kasalanan ko ang lahat ng nangyayari ngayon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group