Chapter 5 [REVISED]

9.2K 281 8
                                    

Pagkapasok ko ng kwarto, napaisip ako. Paano kaya kung humantong kami sa sitwasyon nila Ice at Fire? Paano kung isang araw, magising na lang ako na hiwalay na pala kami?


Hindi ko alam pero the thought of being left by him feels like my world will turn empty. Siya na kasi yung bumubuo sa pagkatao ko eh. Siya na yung bumubuo sa mundo ko.


"Oh? Malalim yata iniisip mo?" awtomatikong napalingon ako sa gilid ko.


Siguro nga napakalalim ng iniisip ko. Ngayon ko lang napansing katabi ko na pala si Heaven. Hindi ko manlang narinig miski yung tunog ng pinto ko.


"Ah. Nandyan ka pala." simpleng sagot ko sa kanya.


"May problema ba? Is it still about Fire and Ice?" nakita ko sa mata niya yung pag-aalala. This time, I never think twice about asking him this question that bothers me.


I want an answer. Maybe that's why I want to ask him urgently, without hesitations.


"Kung maghihiwalay ba tayo, anong gagawin mo?" I asked him. Bigla namang nag-iba ang aura niya at hindi kaagad sumagot.


Naisip niya rin kaya kung paano?


"S-Siguro, tatawa na lang ako." hindi ko siya naintindihan. Pero the thought of it, ikasasaya niya iyon. Ganoon ba siya kasaya kapag naghiwalay na kami? 


"Bakit ka tatawa? Ayun lang ba yung magpapasaya sayo?" bigla akong nakaramdam ng sakit nang itanong ko iyon. Nadagdagan pa ang sakit nang bigla siyang ngumisi. Hindi ko na alam. Niloloko niya lang ba ako? Anong pakay niya sa relasyon naming to kung masaya pala siya kapag naghiwalay kami?


"Tatawa ako nang tatawa nang tatawa nang tatawa." I looked straight into his eyes, waiting for his next statement. "Tatawa kasi mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. O kung hindi ako tatawa, matutulog na lang ako habang buhay. It's easier that way, I know." muli, sa araw na ito, umiyak akong muli.


Akala ko, ikasasaya niya ang paghihiwalay naming dalawa pero mali pala ako.


"Ikaw? Anong gagawin mo?" pagbalik niya ng tanong sa akin.


Napaisip ako, ano nga kaya ang gagawin ko?


"'Wag mo na palang isipin. Hindi naman mangyayari 'yun." bigla niyang sabi sa akin. Sobrang bagay ng pangalan niya sa akin.


He never failed to make me feel that way.


"Ano pa lang napag-usapan niyo ni Ice?" tanong nito sa akin. Napangiti ako dito bago sumagot.


"Ayun, she said sorry about the things that happened between the two of us. Ayos na 'yun, away bata lang naman kasi 'yung nangyari." sagot ko dito. Maya-maya lang ay niyakap ako nito nang pagkahigpit-higpit.


"That's a part of those things that I loved about you. Napakabuti mong tao." bulong nito sa akin.


Sobrang swerte ko kay Heaven. He's too good to be true.


"Babe, may nagpost pala sa Redskull University Files ng picture mo. May admirer ka ah." sabi nito sa akin na ipinagtaka ko.


"Anong nakalagay?" tanong ko dito.


"Picture nga lang eh. Wala man lang caption." Sino naman kayang maglalagay ng picture ko doon? "Tapos screenname niya, Arnoeld. Ang weird no? I tried finding him pero wala naman." ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya.


"Hayaan mo na, maganda ako eh." pabiro kong sagot dito at nagtawanan kaming dalawa.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon