Chapter 15

5.6K 180 6
                                    

After two years


"Maybe you should go to the hospital? Let me take you there." hinang-hina akong tumanggi kay Leonard.


"Hindi na. I can manage myself. Pumasok ka na kasi baka ma-late ka pa." sagot ko dito.


"I insist. Sasabihin ko na lang na I went somewhere important. Kung ayaw mong magpadala sa hospital, hayaan mong alagaan kita dito." napakakulit talaga niya kahit kailan. He keeps on insisting what he wanted.


It's already been 2 years since I moved to Australia. Buti na lang pala at nandito si Leonard para may kakilala ako kahit papaano.


Sa loob ng dalawang taon, naging sobrang close na kami ni Leonard. We are sharing one apartment since napakamahal ng renta dito. Parehas din kami ng university na pinasukan but we are taking two different courses.


Tama ang desisyon kong lumayo na dahil simula nang mapadpad ako dito, wala pa akong naeencounter na gulo. Hindi pa napapahamak ang buhay ko dito.


"Soup? Milk? Coffee? Anong gusto mo?" tanong nito sa akin. 


"I just want to rest. Magaan na naman ang pakiramdam ko kumpara sa kahapon." 


"So, kahapon ka pa pala nilalagnat? Bakit di ka nagpunta ng ospital? O kaya sana sinabi mo sa akin para na-cancel ko 'yong art exhibit ko?" sumakit ang ulo ko dahil tumaas ang boses ni Leo.


"Lower down your voice. Sumasakit ang ulo ko. Basta, I'll just take a rest so please iwanan mo muna ako." sagot ko dito at nagtalukbong na ng blanket dahil sobrang lamig na lamig ako.


Dahil sa init ng mga mata ko, madali akong nakatulog agad.


Nagising ako nang maramdaman kong masusuka na ako. Pagkabangon na pagkabangon ko, nagulat ako dahil alam kong hindi ko na kwarto 'to. Alam kong nasa hospital ako dahil sa hitsura ng lugar.


Kaysa tumunganga, tumayo ako kaagad na naging sanhi ng mas lalong pagsakit ng ulo ko. Pero kahit gan'on, dumiretso pa rin ako sa cr para sumuka.


Maya-maya lang ay may humagod na ng likod ko. "Okay ka lang?" tanong ni Leo sa akin.


Nang matapos na akong dumuwal, ifinlush ko na ang toilet at inalalayan ako ni Leo pabalik sa kama. Inabutan niya naman agad ako ng tubig kaya ininom ko ito.


"Siya nga pala, sabi ng doctor, ayos ka lang naman daw. You just need to take your medicine on-time para daw mas mabilis kang gumaling." 


"Bakit mo ako dinala dito? I told you not to dahil hindi na naman kailangan." baling ko dito.


"Eh kasi alam kong sobrang nahihirapan ka na. 'Wag kang mag-alala sa bills dahil sagot ko na. Basta ang kailangan mo lang gawin, magpagaling ka." sagot naman nito sa akin.


Kitang-kita ang concern sa mga mata niya. Sobrang buting kaibigan ni Leo dahil lagi siyang nandyan para sa akin.


Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon