Chapter 29

5K 168 5
                                    

Ang ganda talaga ng dagat. Malinis ang tubig kaya napakasarap maligo ngayon.


"Hans, okay ka lang? Bakit tulala ka?" doon ko lang napansing malayo na pala sila lahat. Nandoon na sila sa medyo malalim na parte at si Rock na lang ang kasama ko ngayon dito.


"Ay, oo ayos lang ako." sagot ko dito. Sobra yata akong nalunod sa pag-iisip tungkol kay Heaven kasi sa totoo lang, mamimiss ko siya.


"Tara na, punta ka na din doon. Maglalaro daw tayo." 


Nakakatawang isipin na ang tatanda na namin pero maglalaro pa rin kami sa dagat. Simple joys like that.


Pumunta na kami ni Rock sa dagat. Lumangoy ako papunta sa kanila kaya sumunod naman si Rock. Pagkaahon ko, medyo malapit na ako sa kanila kaya nilakad ko na lang.


"Ayan! Nandito na sila. Laro na tayo." masayang sabi ni Leaf.


"Grabe ka naman sa saya. Para kang bata." pang-aasar ni Fall kay Leaf kaya napanguso ito. Sa totoo lang, ang cute nilang tignan. Bagay na bagay talaga sila.


"Taya-tayaan muna tayo. Ang number one rule, bawal bumaba sa bewang 'yung tubig kaya dapat sa medyo malalim lang. And lastly, bawal tayain 'yung nakataya sa 'yo." sabi ni Winter kaya naexcite ako. It's been what? Ten years na yata noong huli ko 'tong nilaro.


"Sige na, ako taya." biglang sabi ni Fire kaya naman napalayo kaming lahat. Naglangoy ako papalayo para hindi ako mataya. Hinabol ni Fire si Ice kaya naman pilit na sinasabuyan ni Ice ng tubig si Fire. Nakakatawa silang dalawa. Ang cute din nilang tignan.


"Grabe! Akala ko ba mahal mo ako?" nagtawanan kaming lahat nang tanungin 'yun ni Ice kay Fire.


"Oo nga. Kaya ikaw 'yung gusto kong habul-habulin." woah there. Sinabuyan ulit ni Ice si Fire dahil doon.


"Ang corny mo naman." sagot nito bago maghabol ulit.


Si Greg ang pinakamalapit sa posisyon nilang dalawa kaya madali niya 'tong nataya. Si Lyndel naman ang pinilit habulin ni Greg kaya tumagal kami. Halos hindi na kami gumalaw dahil hindi naman kami 'yung tinataya niya pero nang mataya na si Lyndel, nagsimula nanaman kaming lumayo. 


Si Rock ang nataya niya dahil ang lapit lang ni Rock. Nagulat ako dahil biglang napatingin si Rock sa akin kaya naglangoy na agad ako papalayo. Paano kaya ako makakatakas? Magpanggap na lang kaya akong nalulunod para iwasan na ako?


Lumangoy ako papunta sa malalim na parte ng dagat. Abot ko pa pero nagpanggap na akong nalulunod ako. Ibinaba ko ang tuhod ko at nagkakampay sa tubig. 


Nagulat na lang ako nang maya-maya pa ay may bigla na lang humawak sa akin.


"Shit, Hans." 

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon