Chapter 32

5K 165 5
                                    

Naghahanda na ako para sa hapunan naming lahat. Nakapila sila sa cr para magbanlaw. Mabuti na lang talaga at nauna kaming bumalik ni Heaven.


Speaking of Heaven, tinutulungan niya akong maghanda ngayon. Kanina, siya 'yung naghiwa sa mga patatas. Bigla ko tuloy naalala 'yung unang encounter namin.


FLASHBACK


Pumunta ako sa palengke. Nakakita ako doon ng chicken kaya naisipan kong Chicken Adobo na lang ang lulutuin ko. Bumili ako ng 2 kilong manok at 3 pirasong patatas. Bumili rin ako ng toyo at suka. Bumili rin ako ng iba pang kakailanganin para sa Adobo.

Umuwi agad ako at naabutan kong nagsisigarilyo si Heaven sa corridor. Napailing na lang ako. Of all the things, ang pinakaayoko ay yung mga nagsisigarilyo at nag-iinom. And besides, bawal 'yan ah?

"You usually do that?" tanong ko kay Heaven. "Bawal 'yan dito ah?"

"You don't care. Tss" doon ko napatunayan na sa kanilang lahat, si Heaven ang pinakacold. Binalewala ko na lang iyon at pumasok na ako sa loob.


END OF FLASHBACK


That time, we're totally strangers. Well, at least for me. Hindi ko pa sila naaalala noon eh. Pero ngayon, halos parehas lang. Ang pinagkaiba naman, siya na ang hindi nakakaalala sa akin. Bakit ang sama naman yata ng tadhana para sa aming dalawa? Bakit kailangang lagi na lang may ganitong eksena?


"Okay ka lang?" napabalik ang ulirat ko nang tanungin ako ni Heaven.


"Ay, oo. Ayos lang ako." sagot ko naman dito at saka bumalik sa pagluluto.


"Mukhang malalim kasi iniisip mo. Kung may problema ka, you can talk to me."


HEAVEN's POV


Pero ang totoo, hinihiling kong sana ako na lang. Sana ako 'yung iniisip niya. Sana, ako 'yung nakakapagpabagabag sa kanya kasi kung hindi, it's slowly killing me.


HELL's POV


"I'm perfectly fine. Nothing to worry about." sagot ko dito at nagpatuloy lang sa pagluluto.


"May naaamoy akong masarap." biglang sigaw ni Leaf na nagpatawa sa akin. Napansin ko naman ang pag-iling-iling ni Heaven habang nakangisi.


"Wala, Leaf. Bawal sa 'yo 'to." biro ni Heaven dito.


Nagtawanan kaming lahat at maya-maya lang ay biglang tumahimik sa paligid. Sobrang tahimik. Walang ibang nagsasalita kaya na-awkwardan ako dahil kami lang ni Heaven ang magkasama.


Maya-maya lang, nagulat ako nang may dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko. Alam ko, kahit hindi ko siya nakikita, alam kong si Heaven 'to.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon