Kagaya nga ng napag-usapan, umuwi na ako kasama ni Ice at ni Winter. Ayaw dapat ni Winter ngunit pinilit namin ito.
Hindi na namin kasama sina Leaf at Fall dahil may date pa nga sila. Noon ko lang nakitang masaya si Leaf nang dahil sa babae. Kahit na kagabi lang sila nagkakilala, ang laki na ng epekto ni Fall kay Leaf at masaya ako para doon.
Nang makarating kami sa dorm namin, agad kaming napansin ni Wind.
"Uy. Nandito ka na pala." sita sa akin ni Wind. "Ay hello." bati nito kay Ice at kay Winter nang mapansing kasama ko ang mga ito. Nginitian ko lang ito bilang sagot.
"Kilala kita!" masayang sigaw ni Winter na ikinagulat naming lahat. Natawa na lang kami ni Ice dahil doon.
Kilala naman talaga ang mga gangsters na kasama ko. Hindi naman nakakapagtakang kilala ni Winter si Wind.
"Ay ganun ba?" napakamot pa sa batok na sagot ni Wind dito.
"Tuloy kayo." sabi naman ni Fire nang mapansing nandito na kami.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso muna ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit.
Nang makapagpalit ako ay lumabas na agad ako sa kwarto ko. Nabigla naman ako nang nakaabang na pala doon si Heaven.
"Let's talk." mahinang sabi nito sa akin. Tinignan ko siya nang diretso sa mata at halatang inisip niya buong magdamag ang nangyari. He looked bothered.
Wala namang problema kung pag-uusapan namin 'yun. Mas maganda nga sigurong mapag-usapan na namin nang hindi na lumala.
Pumasok akong muli sa kwarto ko at sinundan niya ako doon. Umupo ako sa kama ko at hinintay ang sasabihin niya.
"I just want to say sorry. Sorry kung napakababaw ko kanina." simula niya. Halos magcrack din ang boses niya dala ng matinding emosyon. Maya-maya lang ay tinabihan niya ako sa kama at inakbayan. "Alam mo namang ayokong nag-aaway tayo eh. Hindi ko kaya." with that, kinilig nanaman ako.
Nainis lang naman ako kasi napakababaw ng rason niya para hindi mamansin eh. After that, wala na. Nakokonsensya nga din ako sa ginawa ko eh. Lalo pa ngayong nakita ko ang epekto nito sa kanya.
"Sige na, bati na tayo. Sorry din kung naging mataray ako." hinarap ko siya at nginitian. Besides, napakababaw ng rason para mag-away kami.
We've been through a lot kaya hindi kami matatapos nang dahil lang sa ganitong away.
"Wag na tayong mag-aaway ah? Ayoko nun." he hugged me tight. Walang gustong bumitaw sa aming dalawa. I want this hug and this is the only hug I'll have forever.
Napakaswerte ko talaga sa kanya.
Nang magbitiw kami, wala nang makapagsalita. We're lost of words and love filled it for us.
Pero maya-maya lang ay tumikhim si Heaven at nagsalita.
"Siya nga pala, sino yung kasama niyo ni Ice?" tanong niya.
"Si Winter. Kadorm nila ni Fall." bigla namang kumunot ang noo niya.
"Sino si Fall?"
"Ah. 'Yun pala 'yung liligawan ni Leaf na kadorm ni Ice." halatang namangha rin siya dahil doon.
"Wow. Small world it is. Baka si Wind at si Winter pa magkatuluyan ah." natatawang sabi nito. Pero sa totoo lang, mukhang bagay naman sila eh. Parehas silang matapang para sa mga kaibigan nila.
"Hindi naman imposible eh." sagot ko.
"Siya nga pala. Dito na muna tayo please. Gusto pa kitang makasama. Buong araw ka kasing wala eh."
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group