Chapter 11

5.9K 186 0
                                    

Sobrang saya namin ngayong gabi nang ipakilala ni Leaf si Fall sa iba pa naming mga kasama. 

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang gabi namin. Gusto ng mga kaibigan namin si Fall para kay Leaf kasi medyo nagjajive yung ugali nilang dalawa. Pero hindi pa rin maiiwasan na babaero si Leaf kaya hindi pa rin namin sigurado kung si Fall na nga talaga.

At dahil sila lang ang walang lovelife, napagtripan din sina Winter at Wind. Nakakatuwa silang panoorin dahil bagay silang dalawa.

Ang dami din naming napagkwentuhan kaya't kahit papano'y nakilala na namin ang isa't isa.

Nang marealize naming gabing gabi na, napagpasiyahan na nila Ice na umuwi na. Inihatid sila nila Fire at Leaf sa kanilang dorm.

Naiwan naman kami nila Wind at Heaven dito sa dorm.

"Sila Rock pala? Uuwi daw ba sila ngayon?" nagpaalam daw kasi sila Rock na lalabas daw muna silang apat. 

"Hindi nga nagsabi eh. Hindi rin naman nagtext." sagot ni Wind sa akin.

Gusto kong isipin na kaya naman nila iyon pero bakit gabing gabi na? Nagsasabi naman sila dati ah.

"Sige na, matulog na kayo. Itetext ko na lang sila. Baka napano na 'yun." sabi ko naman sa kanila. Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang bigla akong pigilan ni Heaven.

"Goodnight." bati nito sa akin. 

"Goodnight din. Matulog ka na ah. Aalis tayo bukas." sabi ko sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong nito sa akin.

"Sa mall lang. Basta matulog ka na." niyakap ko siya at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext isa-isa ang apat na lalaking 'yun upang tanungin kung nasaan na sila.

Maya-maya lang ay nakatanggap ako ng text galing sa unknown number:

From: Unknown Number

Hell? Nasa bar sila Greg ngayon. Sobrang lasing. Sunduin mo naman sila. Ito 'yung address *********.



Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon