Chapter 8

6.7K 195 3
                                    

Nang makarating kami sa dorm niya, agad kong nakita ang mga kasama niya.


"Guys, si Hans nga pala. Kaibigan ko. Childhood bestfriend to be exact. Hans, ayan naman si Fall pati si Winter." pagpapakilala nito sa amin.


Kinawayan ko sila bilang pagbati at ganoon din sila.


Napansin ko, lahat sila sa dorm na 'to magaganda. Kaya lang, mukhang wala pa 'yung isa dito.


"Tatlo lang talaga kami dito." biglang sabi ni Ice nang mapansing nagtataka ang tingin ko.


Kaya naman pala tahimik sa dorm nila.


"Doon na muna tayo sa kwarto ko. May monopoly doon." masaya nitong sabi sa akin.


Bigla ko namang na-miss maglaro noon kasama ni Ice. Iyon kasi ang nilalaro namin kapag bawal kaming sumama kina Heaven sa paglalaro sa labas ng bahay.


"Sali kami." sabi naman nung dalawa pa.


"Sige. Para mas madami tayo." pagpayag ni Ice dito kaya pinatay na nila ang TV at sama-sama kaming pumunta sa kwarto ni Ice.


Nang makapasok kami, diretso upo kami sa sahig dahil hindi kami magkakasya kung sa kama pa kami magsisiksikan.


Kinuha na ni Ice ang Monopoly at ibinaba ito. Nagtaka ako sa hitsura noon dahil mukhang luma na.


"Ah, oo. Ayan 'yung nilalaro natin noon." nabasa nanaman niya utak ko.


Bigla naman akong namangha dahil iningatan pa pala niya iyon.


"Tignan mo, nandyan pa rin 'yung mga pina-print natin na pera kay mommy." sabi nito kaya binuksan ko na ang Monopoly at nakita ko nga doon ang mga pinaprint naming pera noon.


Nabasa kasi ng tubig 'yung ibang pera kaya kailangan naming palitan. So, ang ginawa namin, nagpaprint na lang kami sa mommy ni Ice para makapaglaro pa kami.


"Ang galing. Buti natago mo pa." mangha kong sabi dito.


"Actually, si mommy nagtago niyan. Binigay niya sa akin bago ako pumasok ng college." kwento nito na ikinatuwa ko.


Naaalala pa din pala ako ni tita.


"Halatang close na close kayo ah?" pansin ni Winter sa amin.


"Bata pa lang kasi magkasama na eh." kwento ni Ice dito.


"Eh bakit nung una, sabi mo wala kang kaibigan?" tanong naman ni Fall dito.


Nakaramdam ako ng awa kay Ice. Buti kinaya niyang hindi siya pinapansin nila Leaf. Kasi kung ako 'yun, siguro nagsuicide na ako.


"Long story eh. 'Wag na lang natin pag-usapan." sagot naman nito. "Tara na, start na tayo. Akin 'yung horse ah." dagdag naman nito kaya tahimik naming inayos ang set-up ng laro namin.


Nagsimula na kaming maglaro at napalitan na ang malungkot na atmosphere namin. Tawanan, kwentuhan at laro ang ginawa namin buong magdamag.


Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang biglang may kumatok sa pintuan.


"Ay! Nakalimutan ko." nanlaki ang mga mata ni Fall habang sinasabi iyon.


"Oo nga pala! Hala ka!" reaksyon ni Winter dito.


"Ano bang meron?" hindi ko na napigilang itanong pa.


"May kadate kasi siya ngayon. And I'm sure, si Leaf na iyong kumatok." kwento sa amin ni Winter at sabay kaming nagulat ni Ice.


"Leaf?!" sabay na tanong namin.


"Oo, bakit?" nagtataka namang tanong ni Winter.


"Teka lang guys, magbibihis na muna ako. Winter, pasabi naman kay Leaf sandali lang." nagmamadaling tumayo si Fall sa kanyang kinauupuan at tumakbo papuntang kwarto niya.


"Guys, bakit nga?" muling tanong ni Winter.


"Kaibigan kasi namin 'yun eh." sagot ni Ice dito.


"Actually, kadorm ko. Si Fall pala 'yung tinutukoy niya kanina." patango-tango kong sagot dito.


"Ay kaya pala. Tara na, samahan niyo akong kausapin si Leaf."

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon