Chapter 17

5.1K 180 4
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit sila nasa hospital. Parang may kabog 'yong dibdib ko noong hindi ko nakita si Heaven na kasama nila.


What if may masama palang nangyari kay Heaven? What if nadisgrasya siya o kung ano mang masamang nangyaring 'yon?


I admit, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya pero alam kong hindi makakabuti kapag nagkabalikan kaming dalawa.


"Hans, papasok na ako ah." paalam ni Leo sa akin habang nasa sala ako. Kakauwi ko lang galing sa university na pinapasukan ko samantalang papasok pa lang si Leo.


Tumango na lang ako dito at muling tumutok sa pinapanood ko. Sa ngayon, nanonood ako ng pelikula ni Sarah Geronimo at ni John Lloyd Cruz galing sa cd na dala ni Leo.


"Nay, paano niyo po ba napatawad si tatay?" tanong ni Lyda sa kanyang ina.


"May nabasa kasi ako noon anak. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapapagod na iparamdam sa kanyang mahal mo siya. Hindi ka mapapagod na intindihin siya."


[NON VERBATIM PO YUN AH AHAHAHAHAHAHA]


Hindi ko alam pero biglang pumasok si Heaven sa utak ko nang marinig ko iyon. Naduwag ba ako? Bakit parang ngayon, nagsisisi na akong iniwan ko siya?


Gusto kong malaman ang kasagutan sa tanong ko kaya't nag-ayos ako ng sarili ko at bumalik sa hospital na pinanggalingan namin kahapon.


Nang makarating ako doon, dumiretso ako sa nurse para itanong kung saan 'yong kwarto ng kung sino mang nandoon.


"Excuse me miss. Is there anyone naming Heaven, Fire, Leaf, or Wind here?" tanong ko sa nurse. Tinaasan naman ako nito ng kilay at waring hindi makapaniwala sa mga pangalang sinabi ko.


"There is someone whose name is Heaven here. May I know who are you?" 


"I'm his.. friend" muntik ko nang masabing boyfriend ko siya. 


"He is in room 201." sagot naman nito kaya nagmamadali akong pumunta doon.


Nang marating ko ang kwarto na sinabi ng nurse, agad akong sumilip doon at nakita kong wala ni isang nagbabantay sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para pumasok sa kwartong iyon.


Nang makapasok ako, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang dumilat habang nakayakap ako sa kanya.


"S-sino ka?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon.


"Heaven?" 


"Sorry pero hindi kita kilala. Lumabas ka sa kwartong 'to dahil kung hindi, tatawag ako ng nurse." nagulat ako sa inaasta niya ngayon. Bakit sobra akong nasasaktan dahil sa ginagawa niya? Kung arte lang 'to para masaktan niya ako, bakit ganoon?


"Heaven ako 'to. Si Hans!" pagpapakilala ko sa sarili ko.


"Anong Hans? Wala akong kakilalang Hans kaya lumabas ka na." pumatak ang luha sa aking mga mata dahil doon.


Alam kong kasalanan ko kasi ako 'yong naduwag at nagpakalayo-layo para lang maingatan 'yong sarili ko. Alam kong kasalanan ko kasi sarili ko lang 'yong inisip ko noong mga panahong iyon. Bakit sobrang sakit naman yatang kinalimutan niya na ako? If this is his way of getting revenge from me, success! Sobra sobra akong nasaktan ngayon.



Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon