"Paano kayo nakauwi?" tanong ni Wind kila Rock.
"Hindi ko din maalala eh. Ang alam ko nga, bagsak na bagsak na ako doon sa bar." sagot ni Rock dito.
"Hindi naman pwedeng sabihing hinatid tayo ni Leo kasi hindi niya naman alam kung saan 'yong dorm natin."
Gusto kong sumingit sa kanila at sabihing ako 'yong tumulong para makauwi sila pero alam kong malilintikan ako kay Heaven kapag nalaman niyang hindi ako nagpaalam kagabi. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon dahil kung hindi, baka umabsent pa 'yong apat dahil sa hangover.
Nang matapos akong magluto, inihain ko na sa lamesa ang mga pagkain at tinawag na silang lahat.
"Kakain na tayo!" sigaw ko at nagsipuntahan naman sila sa lamesa. Bigla naman akong nagtaka nang mapansing wala si Heaven dahil ang alam ko, maaga syang gumising kanina. Nakita ko pa nga siyang naglinis ng bahay eh.
"Nasaan si Heaven?" hindi ko na napigilan pa ang magtanong.
"Pagkatapos niya maglinis kanina, humarap na agad siya sa laptop niya. Hanggang ngayon hindi pa lumalabas sa kwarto eh." sagot ni Fire sa akin.
"Ay gan'on ba? Sige kumain na muna kayo. Ako nang bahala kay Heaven." sagot ko dito at pumunta na sa kwarto ni Heaven.
Pagdating ko doon ay nakita ko itong nakaharap nga sa laptop. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya na ako.
"Nasaan ka kagabi?" bigla akong kinabahan sa tanong niya. It is not his unusual tone. Nagulat ako dahil napakacold ng boses niya kasi kanina, hindi naman ganyan.
"Si-sinundo ko lang sila." nauutal kong sagot dito. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Teka, ano bang mali sa ginawa ko? Wala naman di ba?
"Sinundo mo sila without even telling me? Umalis ka dito nang hindi ka nagpapaalam sa akin? Ano 'yon Hans? At hindi ko pa malalaman kung hindi ko pa nabasa 'yong post sa RU Files?" nasaktan ako dahil sinigawan niya ako. Higit sa lahat, natatakot ako sa kanya ngayon. Ibang Heaven ang nakikita ko. Hindi siya 'yong lalaking minahal ko.
"K-kasi t-tulog ka na. Baka kasi maistorbo ka kaya--"
"Damn it! Alam mo namang hindi ko kayang mawala ka sa akin pero ganyan ka? Kung hindi mo pa alam, sasabihin ko na sa'yo na may taong lagi kang inaabangan!"
"S-sino?"
"Hindi ko alam! 'Yon nga 'yong nakakainis kasi hindi ko alam! Nakakainis kasi ayaw kong sabihin sa'yo dahil alam kong matatakot ka pero napakapasaway mo! Nakita ka daw niya kagabi sa bar at napakasaya niya kasi nangyari 'yon! Hans, mahal na mahal kita kaya sinisigawan kita ngayon! Mahal na mahal kita kaya ayaw kong mapahamak ka nanaman dahil sa akin!" hindi ko na napigilan pa ang maiyak. Lagi na lang bang may mga matang nakabantay sa akin? Hindi na ba ako mawawalan ng panganib sa buhay ko? Hindi na ba ako makakagalaw nang walang restrictions?
Sawang sawa na ako sa ganito. Tahimik naman dati 'yong buhay ko eh. Nagulo lang simula nang bumalik ako sa mga gangsters na 'to. Sana pala hindi na ako nag-aral dito.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group