"Mga gago kayo! Pakawalan niyo kami dito! Mayayari kayo kapag nakawala kami" nagising ako nang dahil sa sigaw na iyon.
Si Heaven yun ah?
Teka! Anong nangyayari? Bakit siya sumisigaw?
Idinilat ko ang mata ko pero itim pa rin ang nakikita ko.
Bulag na ba ako?
Iginalaw ko ang ulo ko at doon ko lang naramdaman ang piring na nakatakip sa mata ko. Naramdaman ko rin ang nakagapos sa mga kamay ko at binti ko.
And for the second time, nakidnap nanaman ako.
Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Natrauma na ako mula sa nangyari noon. Takot na takot ako dito ngunit naisip ko, I should be tough. Kailangan kong maging matapang dahil hindi lang ako ang nag-iisa dito.
"Kung hindi ka kasi gago at hindi mo kinalaban si Stone, edi sana wala tayong problema dito?" si Stone?
Kagagawan ba 'tong lahat ni Stone? Akala ko ba, ayos na ang lahat sa amin?
"Magsama kayo! Mga wala kayong kwenta!" sigaw ni Heaven at bigla akong nakarinig ng pagkalabog at kasunod noon ay ang pag-ubo.
"Ugh" impit na boses na daing ni Heaven.
Sinasaktan ba nila si Heaven?
Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko.
"WAG! WAG NIYO SIYANG SAKTAN!" hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw.
"Oh? Gising na pala ang prinsesa ninyo." nakarinig ako ng papalapit nang papalapit na mga hakbang. "Yung prinsesa ninyong lagi niyong naililigtas. Ngayon kaya? Mailigtas niyo pa kaya siya?" bigla akong nakarinig ng pagkasa ng baril.
Kapag sinasama ako noon ng mga lalaki kong kaibigan, nagtatarget shooting kami minsan kaya alam ko kung ano ang tunog na 'yun.
At sa pagkakarinig ko nun, bigla akong kinabahan.
Katapusan ko na ba? Matutuluyan na ba ako ngayon?
Kasi kung oo, sana mailigtas si Heaven pagkatapos nito. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi kaligtasan niya.
"TANG INA! WAG NIYONG ITULOY 'YAN KUNG AYAW NIYONG PATAYIN KO KAYO PABALIK!" rinig ko ang galit sa tono ni Heaven. Tahimik sa buong lugar kaya't rinig ko ang bigat ng hininga niya. Ang bawat hingang alam mong may galit sa pagitan nito.
"Ha? Eh paano mo gagawin yun kung ikaw na pala yung unahin ko?" kinabahan ako sa tanong na iyon.
"Gawin mo! Hindi 'yung puro ka salit—" hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Heaven nang biglang may pumutok na baril kaya't lalo akong naiyak.
"HEAVEN!" napahagulgol ako dito sa kinauupuan ko.
Sana hindi malala ang tama niya. Sana hindi siya napuruhan. Sana hindi niya ikamatay ang tama na iyon sa kanya.
Maya-maya lang ay may dumampi ng kamay sa pisngi ko.
"Ano? Masaya ka na? Masaya na kayo kasi nabaril niyo siya?!" nanggigigil kong tanong sa kanya. Wala akong ibang maramdaman kundi galit sa taong may hawak sa akin ngayon.
Kung makaligtas ako dito, sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang nangyaring ito.
Pagbabayaran niya.
"Oh little princess, anong magagawa mo kung ikaw naman ang isusunod ko?" matapos niyang sabihin iyon ay nakaramdam ako ng isang malamig na bagay na hinagod niya sa pisngi ko. Alam ko, baril iyon dahil sa hugis nito.
"Patayin mo na ako! 'Wag mo nang patagalin dahil sinasabi ko sa'yo, magbabayad ka!" nanggagalaiti kong sigaw dito.
"Hinding hindi mangyayari 'yun dahil papatayin na kita ngayon!"
Eksaktong pagkatapos niyang isigaw iyon ay nakarinig nanaman ako ng napakalakas na putok ng baril.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group