Pumunta ako sa address na nakalagay sa text. Nang makarating ako doon, bumungad sa akin ang mga kaibigan naming nakaub-ob sa lamesa dahil sa kalasingan. May isang lalaki namang nakabantay sa kanila kaya't lumapit ako doon.
"Hell. Buti naman dumating ka na." bungad ng lalaking kasama nila. Hindi ko siya kilala pero laking pasasalamat ko dahil sinamahan niya ang mga kaibigan ko.
"Nako pasensya na po ah. Salamat na rin sa pagbabantay sa kanila." paumanhin ko sa kanya.
"Wala 'yun. Ako naman nagyaya sa kanila dito. Napadami lang sila ng inom." paliwanag niya. "Siya nga pala, ako si Leonard." pagpapakilala niya sa akin at nakipagkamay siya.
"Ako naman si Hans. Salamat talaga."
"Ihahatid ko na sana sila eh. Hindi ko lang talaga alam kung saan sila nakatira kaya buti na lang at nagtext ka." sobrang pasalamat ko dahil may nakabantay sa kaibigan namin. Paano kaya kung wala siya? "Alam ko ring hindi mo kakayanin mag-isa to kaya sasamahan na kitang maghatid sa kanila." dagdag pa niya.
"Nako salamat talaga. Salamat sobra"
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group