Pinalabas din agad ako ng hospital. Ngayon, naglalakad na kami ni Leo papunta sa parking lot ng hospital nang makauwi na.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Leaf na kasama ni Fall. Napakadaming tanong na pumasok sa utak ko dahil sa pangyayaring iyon. Una, bakit sila nandito sa ospital? Pangalawa, sila lang ba? Pangatlo, kailan pa sila nandito?
"Hans?" napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"I-Ice! B-bakit ka nandito?" dahil doon, napatingin na rin sa akin sina Leaf.
"Oh my gosh Hans ikaw nga!" tumakbo si Ice papunta sa akin at mahigpit akong niyakap. Mabuti na lang at hindi na mainit ang katawan ko.
"K-Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Ano nang balita?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Excuse us miss. Next time na lang siguro, kailangan kasi ni Hans na magpahinga." nagulat ako sa pagsingit ni Leo sa amin. Wala na akong nagawa kundi magpaalam kay Ice at sumakay na sa sasakyan.
Hindi ko alam pero nilibot ko ng tingin ang buong parking area. Hinahanap ko si Heaven pero ayaw kong makita siya.
"Gusto mo ba ng aircon o papatayin ko?" tanong ni Leo.
"Nilalamig pa ako eh. Please, 'wag muna." sagot ko naman dito at tumutok na lang sa biyahe namin.
Lumilipad ang utak ko habang nasa biyahe kami. Makita ko kaya si Heaven? Anong sasabihin ko pag nangyari 'yon? Anong gagawin ko?
Natatakot ako sa posibilidad na mangyari habang nandito sila. Pero of all places, bakit hospital pa?
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group